TACIMH: Kabanata 37

4.2K 77 3
                                    


"B-bakit ba panay ngiti mo diyan, uncle? Napakasimple naman niyang singsing mo" Komento ni Larky na kanina pa masama ang timpla ng mukha habang binubuklat ang mga papeles na narito sa aking opisina.

"It may look simple but it costs a million" simpleng sagot ko dito na hindi alintana kung ano ang ginagawa nito sa aking opisina.

Pinakatitigan ko ang singsing na pinacustomized ko pa para sa aking asawa. Simple lang iyon, plain kung tingnan pero purong gawa sa gold at may maliliit na diamond na nakapalibot sa singsing. Pinagmukha ko talaga iyong simple dahil ayokong magcomplain na naman si Celestina sa presyo niyon.

"Tsk! Your smile makes me more irritated" wika nito na padabog na umupo sa mahabang sofa. Nagpakawala pa ito ng isang malalim na hininga pagkatapos.

Napakunot-noo na ako. Itinabi ko ang hawak kong singsing at bumaling kay Larky. "What's with the long face?"

Umasik ito. "Are you not frustrated, uncle? Nawala ang isa nating investor at napunta sa Sandoval company dahil sa tulong ni Ms. Villa---- I mean, MRS. MONREAL" wika nito na talagang ipinagdiinan pa ang apelyido ng aking asawa na siya ko namang ikinangiti. "Your damn wife is a good negotiator" Dagdag pa nito kaya naman napasandal ako sa aking swivel chair at napatawa ng mahina.

"Thank you for the compliment. My wife is really good"

Hindi makapaniwala na tumingin sa akin si Larky. "What? Are you really saying that words, uncle?"

"What's wrong with that? I'm a proud husband" Buong pagmamalaki na tugon ko dito.

"Tsk! Talk to your soul" wika nito na napabuntong-hininga pa pagkatapos. Mahahalata na wala ito sa katinuan nito ngayon.

Bigla akong nanibago dito. Napakunot-noo ako habang pinagmamasdan itong mabuti. Natatawa na pinuna ko ito. "Talaga bang naiinis ka dahil nakuha ng Sandoval company ang isa nating investor.... o may iba pang dahilan?" Mapang-asar na tanong ko dito habang pinaglalaruan sa mga daliri ang hawak na ballpen.

Masama ang tingin na bumaling ito sa akin na ikinatawa ko naman. Sa wakas ay nakaganti rin ako sa asshole na ito. "I'm not in the mood to have fun, uncle" wika nito na napasandal pa ang ulo sa sofa. Seryoso ito at mukang problemado talaga.

Umayos ako ng upo at sumersoyo na rin. "Is there something wrong?"

Nagpakawala ito ng isang malalim na hininga. "Ano ba kasing problema ng mga babae, uncle? Bakit ba kasi patay na patay sila sa akin? Alam kong gwapo ako pero sana naisip nila na may girlfriend na ako. Hindi na dapat nila ako nilalapitan. Hindi tuloy ako ngayon kinakausap ni baby loves" wika nito na napakamot pa sa ulo nito.

Napakunot-noo naman ako dahil sa mga sinabi nito. "I don't know what to say" nasabi ko nalang dahil hindi ko talaga alam kung ano ang pwede kong sabihin dito sa pagiging mahangin nito at oa.

"Ang useless mo naman, uncle. Lalo mo lang ako pinahirapan e. Hirap pa naman suyuin ng baby loves ko" wika nito na muli na namang napabuntong-hininga.

Natawa nalang ako ng mahina. "You deserve that" wika ko bago tumayo at naglakad palabas ng opisina. "I'll leave first. Good luck to you" Dagdag ko pa bago tuluyang makalabas ng opisina.

"Good bye, sir"

"Ingat po kayo sa pag-uwi niyo, sir"

"Marami pong salamat sa dagdag sahod, sir"

TACIMH:That Arrogant CEO Is My Husband ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon