Celestina Esperanza"Ang kapal ng mukha. Hindi naman porke't mayaman siya ay pwede na niya akong utos-utusan. Hindi naman labandera ang trabaho ko" Paulit-ulit na ibinubulong ko sa aking sarili habang nakasimangot at nakatingin sa coat at long sleeves na hawak-hawak ko ngayon. Napabuntong-hininga ako.
Nang makakita ako ng basurahan na malapit sa lamesa ni Adam ay napangiti ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lumalabas ng opisina nito.
Maglalakad na sana ako patungo sa may basurahan no'ng marinig ko naman ang pagbukas ng private room.
"Five thousands each"
Napalingon ako sa nagsalita. Naabutan ko pang inaayos ni Adam ang manggas ng suot nitong kulay asul na long sleeve. "Huh?"
Magkasalubong ang mga kilay na nag-angat naman ito sa akin ng tingin. "I said, five thousands per clothes. And because that is two pieces, that's equivalent to 10 thousands pesos" wika nito na itinuro pa ang hawak-hawak kong damit nito.
Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. "T-talaga? H-hindi ka nagbibiro?" Sabik na tanong ko pa dito.
Kinusot nito ang ilong na para bang naiinis ito. Tinaasan pa ako nito ng isang kilay. "Do you see me laughing?"
Ang sungit naman! "He-he hindi"
"Tsk!" Asik nito bago ito naglakad patungo sa lamesa nito at umupo sa swivel chair. "Ibalik mo rin agad 'yang mga damit ko bukas. Siguruhin mo lang na maayos ang laba mo" wika pa nito bago nagbuklat ng mga naroong papeles.
Agad naman akong napangiti at sumaludo dito. "Aye aye, master!"
"Hubby"
"Huh?" Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.
"Tsk! Nothing, deaf" walang emosiyon na wika nito. "You may now leave" Dagdag pa nito dahilan para lihim akong mapairap.
Pilit nalang akong ngumiti bago ito tinalikuran. Ang nasa isip ko na lamang ay ang malaking halaga na makukuha ko kapag nilabhan ko ang coat at long sleeves nito.
Nakangiting bumalik ako sa aking departamento at katulad ng dati ay wala manlang pumansin sa akin. Bumuntong-hininga nalang ako at nagtungo sa sariling lamesa. Inayos ko pa ang aking suot na salamin bago itinutok ang mga mata sa computer.
Nang sumapit ang oras ng tanghalian ay mag-isa akong lumabas ng Monreal company upang pumunta sa isang karinderya na medyo malapit lang din naman sa gusali. Madalas ay doon ako kumakain para makatipid.
"Sana balang araw ay makakain din ako ng masarap na pagkain katulad nila" wika ko habang napapatingin sa mga kasamahan ko sa trabaho na ngayon ay may kanya-kanyang grupo upang pumunta sa isang mamahaling restaurant.
Napabuntong-hininga nalang ako habang pilit inaalis sa sarili ang pagka-inggit. Minsan kahit ayaw nating mainggit sa kung anong mayroon ang iba, ay hindi pa rin natin maiwasan. Hindi na talaga iyon maiiaalis pa. Ang mahalaga nalang siguro ay kung paano natin iyon kokontrolin.
"Pasalamat ka nalang dahil nakakakain ka pa, Celestina Esperanza" Pagkausap ko sa aking sarili bago nagpatuloy sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
TACIMH:That Arrogant CEO Is My Husband ✔ [COMPLETED]
RomanceIsa lang siyang ordinaryong empleyado, hindi pansinin ng mga tao dahil sa nerd niyang itsura. Never niyang inisip magkaroon ng asawa o kahit boyfriend lamang na mayaman dahil payak lang namang buhay ang meron siya, at napakaimposible niyon para sa k...