TACIMH: Kabanata 40

4.3K 75 7
                                    


Adam Yvano

TAHIMIK kaming nakaupo ni lolo Segundo dito sa may pool habang nakadekwatro ang mga binti at umiinom ng malamig na juice. Napangiti ako dahil sa kapayapaan na ngayon ay aking nararamdaman.

"You look very happy, apo" puna sa akin ni lolo Segundo na lalong nagpangiti sa akin.

Tumango-tango ako. "Yes I am becauae I'm going to marry her, lo" Buong pagmamalaki na tugon ko dito.

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa. "And I'm happy for you"

Ngumiti lang ako sa sinabi nito. Napayuko ako habang iniisip ang mga nakaraan.

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni lolo Segundo.

"I'm sorry, lo" Basag ko sa katahimikan.

Naramdaman ko na lumingon sa akin si lolo Segundo at ang pagtitig nito sa akin. Paglaon ay narinig ko ang mahina nitong pagtawa. "For what?"

Bumuntong-hininga ako. "F-for being stubborn grandson before. I------ I'm really sorry, lo" wika ko na sinalubong na ang mga tingin nito pagkatapos.

Unti-unting nawala ang ngiti nito pero naaaninaw ko sa mga mata nito ang tuwa. Tinapik-tapik nito ang aking balikat. "I'm proud of you, apo. I really do. And I'm happy seeing you like this. You are now a great man" wika nito pagkatapos.

I feel so touched.

Nag-iwas nalang ako ng tingin dito dahil ayokong maging emosiyal. Natawa naman si lolo Segundo sa ginawa ko.

"Tss! So, when will you come back here?"  Tanong nalang nito sa akin.

Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga bago muling ngumiti. "If my Celestina will go with me, lo. But I'm happy now as long as I'm with her" Tugon ko na siya namang muling nagpatawa kay lolo Segundo.

"You are really deeply in love. Congratulations ulit, apo" wika nito na muli akong tinapik sa balikat.

Pagkatapos kong sabihin kay lolo Segundo ang plano kong pagpapakasal at makuha ang basbas nito ay bumalik na ako sa bahay namin ni Celestina.

Sa bahay ay naabutan kong nanonood ng TV si Tina habang kumakain ng kamoteng kahoy. Nakangiting lumapit ako dito.

"Para sayo, Tina" wika ko kasabay ng paglapag ko sa dala kong siopao na pasalubong ko dito, ang isa sa paborito nitong pagkain.

Agad namang nagningning ang mga mata nito nang tumingin sa akin. "Salamat, kuya" Pasasalamat pa nito sa akin na halata sa boses ang sobrang kasiyahan.

Nginitian ko naman ito at bahagyang ginulo ang buhok. "Welcome"

Kumuha ako ng isang piraso ng kamoteng kahoy mula sa plato nito at kinain iyon habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng bahay. Inilapag ko na rin sa upuan ang iba ko pang pinamiling groceries gano'n din ang mga prutas at bulaklak na para kay inay.

"Where's inay?" Hindi ko na napigilan pang itanong.

"Nasa likod bahay po, kuya. Nagpapahangin po" sagot naman ni Tina na ngayon ay sinisimulan nang kainin ang ibinigay ko ditong siopao.

Tumango-tango naman ako at pinabayaan nalang na manood ito.

Sabado ngayon kaya walang pasok si Tina at nandito lang sa bahay. Si Celestina naman ay nasa business trip kasama si Mr. Sandoval. Tss! I'm jealous, yes. But I trust my wife more and I want her to grow. 

Nagtungo nalang ako sa likod bahay at doon ay naabutan kong tahimik na nakaupo si inay sa wheel chair at nakatanaw sa malayo.

Napakunot-noo ako nang marinig ko ang malalim nitong pagbuntong-hininga.

TACIMH:That Arrogant CEO Is My Husband ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon