TACIMH: Kabanata 35

4.4K 84 13
                                    

⚠️🔞A/N: Some matured scenes ahead. Please read at your own risks.

ISANG linggo na ang lumipas simula nang hayaan kong tumira ang isang Adam Yvano Monreal sa simpleng bahay na meron ako. Isang linggo na rin akong humahanga sa determinasyon nito na patunayan na kaya nitong makibagay sa buhay na meron ako at kung gaano ito kaseryoso sa akin.

Napangiti ako habang pinagmamasdan itong nakikipag-usap at nakikipagtawanan kay inay. Napailing nalang ako dahil pakiramdam ko'y mas nililigawan pa nito si inay kaysa sa akin dahil sa closeness na meron ang mga ito ngayon.

"Bakit hindi ka pumasok sa trabaho, Mr. Monreal?" Tanong ko dito habang papalapit sa mga ito mula sa kusina.

Nasa sala ang mga ito habang nakaupo sa wheel chair nito si inay at si Adam naman ay sa naroong upuang kawayan. Magkaharap ang mga ito.

Nakangiting bumaling ito sa akin. "Because you are on your day off, Mrs. Monreal" sagot nito na hinigit pa ang aking braso para mapaupo sa kandungan nito. Biglang nag-init ang magkabila kong pisngi lalo na't nasa harapan lang namin si inay.

"A-ano ba, Adam? N-nakakahiya kay inay"

Sa loob ng isang linggo ay nakita ko na kung gaano ito kalambing pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin maiwasang mailang lalo na kapag sa harap nila inay at Tina ito biglang maglalambing.

"A-ayos lang 'yan, a-anak. M-mas gusto ko nga na---nakikita kayong m-masayang mag-asawa e" wika naman ni inay na may kislap sa mga mata.

"See? Mom loves me so much" Buong pagmamalaki naman na wika ni Adam na ikinatawa ni inay. "And because of that, here's your fruits mom" Dagdag pa nito bago inilabas ang isang basket na puno ng mga prutas.

Masaya ako na nakikita kong napapasaya ni Adam si inay. Ang gaan sa pakiramdam.

"M-maraming s-salamat, anak" wika pa ni inay na siyang lalong nagpangiti kay Adam.

"Ini-spoil mo na naman si inay, Adam. Diba sabi ko sayo'y huwag ka masyadong maging magastos?"  Nakairap na tanong ko dito.

Simula noong pagbigyan ko ito na tumira dito sa bahay ay napag-usapan na namin na hindi ito gagastos dahil gusto kong kainin lang nito kung ano lang ang meron kami at gamitin kung ano lang ang meron. Pero kahit gano'n ang napag-usapan ay madalas pa rin itong may dalang pasalubong kapag uuwi ito. Ang maganda lang ay hindi na gano'n kamahal ang binibili nito at iyong mga bagay lang na alam nitong magagamit at magugustuhan namin. At doon ako natutuwa dahil alam na nito kung ano ang gusto ko.

Napakamot ito sa batok nito. "Minsan lang naman, wife. Pagbigyan mo na ako" Pagmamakaawa nito. "Naisip ko lang naman si inay noong nakakita ako ng mga prutas. Kailangan niya kasi iyon para maging healthy siya" Paliwanag nito dahilan para mawalan ako ng imik. Tama naman ito. "At saka hindi rin naman iyan gano'n kamahal, wife" Dagdag pa nito.

Hindi nalang ako umimik at tumayo nalang mula sa pagkakaupo sa kandungan nito. Sa tingin ko'y wala naman masama sa ginawa nito dahil sa totoo lang ay maganda pa nga iyon dahil iniisip nito ang kalusugan ni inay.

Pero ayokong ipakita dito na natutuwa ako. "Oo na" mahinang usal ko bago ito tinalikuran. "Sige na, diyan na muna kayo ni inay dahil may gagawin pa ako sa kusina. Nay, sa kusina po muna ako huh?" Paalam ko sa mga ito na tumingin pa muna kay inay bago naglakad patungong kusina.

Pagdating sa kusina ay doon ko lang pinakawalan ang aking ngiti na pilit kong itinatago kanina. Hay Adam.

Nawala ang atensiyon ko sa mga pinggan na aking hinuhugasan ng maramdaman ko na mayroong pumulupot sa aking baywang mula sa likuran. Alam kong walang ibang gagawa niyon kundi si Adam.

TACIMH:That Arrogant CEO Is My Husband ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon