"Ano bang ginagawa mo? Bakit basta ka nalang nanghihigit?" Inis na tanong ko pagkatapos akong higitin nitong siraulo kong boss palabas ng coffee shop ng aking kaibigan."Get in" wika nito imbes na sagutin ang tanong ko. Nagulat pa ako no'ng itinulak ako nito papasok ng kotse dahilan ng pagkakasubsob ng mukha ko sa upuan. Malakas nitong isinara ang pinto pagkatapos. Ang sama ng ugali!
Nang makaayos ako ng upo ay nasa nasa tabi ko na ito at inaayos ang seatbelt. Kinuha ko iyong pagkakataon para buksan ang pinto pero nanlaki ang mga mata ko no'ng mapagtanto ko na naka-lock na iyon.
"Do you think I will let you escape, wife?" Sarkastikong tanong ng katabi ko kung kaya't napatingin ako dito. Nakita ko na may hawak itong isang maliit na bagay na sa tingin ko ay pinindot nito kung kaya't na-lock ang pinto ng kotse.
Nakaramdam ako ng inis para dito lalo na ng bahagyang umangat ang gilid ng labi nito para bigyan ako ng isang sarkastikong ngiti. "A-ano bang problema mo huh? Nasisiraan kana ba ng bait? Bakit mo ba ako ginugulo huh? May nagawa ba akong kasalanan sayo? Ano ba 'yun? Pwede mo bang sabihin sa akin? Ano nga? Hindi ka ba magsasalita o----"
"Or I'll shoot you if you don't fucking shut your damn big mouth?" Magkasalubong ang mga kilay na tanong nito.
Napalunok-laway ako no'ng maramdaman ko ang malamig na bagay na nakatutok sa aking tagiliran. Alam ko na baril iyon kaya mabilis na tumibok ang puso ko dahil sa labis na kaba at takot.
"Tsk! Titigil ka rin naman pala e" wika nito na para bang natutuwa pa sa nararamdaman kong takot.
Natuod pa ako sa aking inuupuan no'ng inilapit nito ang mukha sa akin. Napalunok-laway ako no'ng iniiwas nito ang tingin sa akin at ibinaling ang atensiyon sa seatbelt na nasa gilid ko. Naramdaman ko na kinuha nito iyon at napagtanto ko nalang na ikinakabit na nito iyon sa akin.
"Good girl. Don't consume my patience, woman. Because giving you my attention is the thing that you must be thankful of" Nakaismid na wika nito. Lihim nalang akong napamura sa isip ko dahil sa pagiging mayabang nito.
Tumingin ako sa baril na hawak pa rin nito. "Bwiset! Kung wala kang baril, sasapakin talaga kitang siraulo ka" Bulong ko sa aking sarili.
Bahagya pa akong napa-igtad no'ng maramdaman ko na mayroong lumapat sa balikat ko. "What the? Ano bang----" Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko na labi pala ni Adam ang nakalapat doon. Nang maramdaman ko na bahagya nitong sisipsipin ang aking balikat ay mabilis ko itong naitulak palayo. "A-ano bang problema mo? A-ang bastos mo" Kinakabahan na tanong ko dito.
Balewalang pinunasan naman nito ang labi. Tiningnan ko naman ito ng masama. "What? You are my wife so there's nothing wrong to what I've done" Katwiran pa nito.
"A-anong wife? H-hindi mo ako asawa 'no! Wala akong asawang----"
Kumunot ang noo nito. "What?"
Inirapan ko naman ito. "Wala. Basta wala akong asawa" sagot ko bago umayos ng upo.
"Tsk! Whether you like it or not, you are now my wife. And I am giving you five days to come home with me"
BINABASA MO ANG
TACIMH:That Arrogant CEO Is My Husband ✔ [COMPLETED]
RomanceIsa lang siyang ordinaryong empleyado, hindi pansinin ng mga tao dahil sa nerd niyang itsura. Never niyang inisip magkaroon ng asawa o kahit boyfriend lamang na mayaman dahil payak lang namang buhay ang meron siya, at napakaimposible niyon para sa k...