Celestina EsperanzaUMAYOS ng upo ang mga kasamahan ko sa trabaho ng matanaw ng mga ito si Adam na ngayon ay kalalabas lang ng opisina nito. Mahahalata sa mukha nito ngayon na mayroon itong malalim na iniisip.
Napayuko ako no'ng mapadaan ito sa tapat namin dahil sa takot na mapansin ako nito. Nakahinga naman ako ng maayos nang tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad na para bang wala itong pakialam sa paligid.
Pakiramdam ko ay may problema ito kung kaya't napakunot-noo ako. "Ano kayang problema ng lalaking 'yun?" Pagkausap ko sa aking sarili pero agad ring napailing-iling. "Tss, wala akong pakialam"
Binalewala ko nalang ang kagustuhang alamin kung may problema ba si Adam. Itinuon ko nalang ang buo kong atensiyon sa aking trabaho.
Nang matapos ang maghapong trabaho ay mabilis kong inayos ang aking pwesto para umalis na at magtungo sa kaibigan kong si Vivian.
"Siya kaya 'yung ex ni boss?"
"Sa tingin ko nga. Potek! Sobrang ganda"
"Bakit kaya bumalik?"
"Baka makikipagbalikan?"
"Sabagay, bagay naman sila. Parehas may magandang lahi at malaman ang mga wallet"
Anong pinag-uusapan ng mga ito? Napakibit-balikat nalang ako at binalewala ang mga naririnig. Binilisan ko ang aking paglalakad upang marating agad ang labas ng gusali.
"See you later, Yvano" wika ng isang tinig na umagaw sa aking atensiyon nang tuluyan akong makalabas ng gusali.
Napatingin ako sa pinagmulan ng boses. Napatulala ako sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan ni Adam na sa tingin ko ay kalalabas lang mula sa kotse nito. Namangha ako sa angkin nitong kagandahan. Mahahaba ang mga mapuputi at makinis nitong binti. Matangos ang ilong nito, mapula ang natural nitong labi. Nangungusap ang mga mata nito habang nakatingin kay Adam. Maamo ang mukha nito at para itong babasaging kristal na nararapat lang ingatan.
"Ok. See you later" sagot ni Adam na ikinabaling ko dito.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga ito.
Ngumiti ang babae bago kumaway at sumakay sa kararating lang na kotse. Sinundan naman ito ng tingin ni Adam. Napakunot-noo ako nang mapansin ko na halos hindi maghiwalay ang tingin ng mga ito.
"Hayop. May kabit ang siraulo" Hindi ko napigilang iusal. Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng aking pakiramdam.
Mabilis akong napatingala sa langit nang mapansin ko na bumaling sa akin si Adam. "Mukang uulan na" usal ko habang pilit pinapakalma ang aking dibdib.
Sa tingin ko ay anumang oras ay babagsak na ang ulan dahil sa makulimlim na langit.
Nang makarinig ako ng tunog mula sa kotse ni Adam ay muli akong napabaling sa direksiyon nito. Napagtanto ko na pinindot nito ang isang bagay na hawak nito upang mailock ang kotse. At pagkatapos ay naglakad na ito papasok ng gusali. Napamaang naman ako dahil doon.
"Hindi manlang niya talaga ako nilapitan para magpaliwanag? Harap-harapang nagloloko sa asawa? Gano'n ba 'yun?" Inis na usal ko sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
TACIMH:That Arrogant CEO Is My Husband ✔ [COMPLETED]
RomanceIsa lang siyang ordinaryong empleyado, hindi pansinin ng mga tao dahil sa nerd niyang itsura. Never niyang inisip magkaroon ng asawa o kahit boyfriend lamang na mayaman dahil payak lang namang buhay ang meron siya, at napakaimposible niyon para sa k...