Celestina EsperanzaBAHAGYA akong napangiwi ng maramdaman ko ang kirot sa aking sentido. Dahan-dahan ko ring iminulat ang mga mata ko habang pinapakiramdaman ang aking sarili.
"What? Fuck! Fire them all!----Yes, do what I said. -----I'm the boss so you must obey me.----- Do your fucking job, Larky Monreal. Huwag puro babae ang atupagin mo. Tsk!" Galit na wika ng isang tinig na nagpakunot sa aking noo.
Ang ingay.
Nang tuluyan kong maimulat ang aking mga mata ay maputing paligid ang siyang tumambad sa akin. Agad akong nakaramdam ng kaba. "Nasa langit na ba ako?----Pero wala naman sigurong nagmumura sa langit diba?" Lalo akong kinabahan sa naging huling tanong ko. "Kung gano'n baka papunta na akong im----?"
"Thank God, you are finally awake" Pukaw sa akin ng isang tinig.
Inilibot ko ang aking paningin para hanapin kung sino ang nagsalita. Tumambad sa harapan ko si Adam na ngayon ay umupo na sa bangko na nasa gilid ng aking hinihigaan. Nagdekwatro ito at pinagkrus ang mga braso. Bumuntong-hininga ito pagkatapos. "You made us worry--- you made me worry. Tsk!" Nakaasik na wika nito.
Hindi ko alam kung nag-aalala ba ito o nanenermon. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha nito, napansin ko ang puyat at pagod doon. "N-nasaan ako?" Tanong ko dito na nagpakunot sa noo nito. Napahilot din ito sa sentido.
"Isn't it obvious? You are in the hospital, Celestina. And to inform you, you already one day here" Masungit na sagot nito na sinundan pa ng buntong-hininga.
"Huh?" Hindi makapaniwala na reaksiyon ko. Bigla rin akong nakaramdam ng pag-aalala para kay inay. "Kumusta na si inay? A-ayos lang ba siya?"
Bumuntong-hininga pa muna ito bago nagsalita. "She's fine. She's not worried anymore. I told her that you are just into deep sleeping like cinderella" sagot nito bago humalukipkip. Naguguluhan ako sa ikinikilos nito.
"Sleeping beauty 'yun, hindi cinderella" Pagtatama ko sa sinabi nito dahilan para bigyan ako nito ng isang masamang tingin. Napalunok-laway naman ako.
"Cinderella do sleeping too" Pamimilosopo nito na nagpamaang sa akin.
"A-ano ba kasing nangyari?" Lakas-loob na tanong ko dito ng makabawi.
"Sa tingin ko masyado kang napagod sa pamamasyal niyo ng Ivan na 'yun kaya nagkasakit ka at bigla nalang nahimatay pagkatapos akong manyakin.----O baka naman bigla kang nahimatay at nagkasakit pagkatapos mong hawakan ang akin" sagot nito na sinundan pa ng mahinang pag-asik. Kumuha ito ng isang sintunis at sinimulan iyon balatan.
Naguluhan ako sa sinabi nito lalo na sa huling bahagi. Napakunot-noo ako. "A-ano? M-minanyak kita? A-anong hinawa----" Natigilan ako at mabilis na napaupo sa hinihigaan kong patient bed ng bigla kong maalala ang tagpong iyon.
Ang tagpo kung saan bigla nalang akong nawalan ng balanse at basta nalang ako napahawak sa isang matigas na bagay para kumuha ng suporta habang nahihilo. Hindi ko naman alam na kay Adam pala iyon. At hindi ko rin alam na naroon pala ito sa loob ng kwarto.
BINABASA MO ANG
TACIMH:That Arrogant CEO Is My Husband ✔ [COMPLETED]
RomanceIsa lang siyang ordinaryong empleyado, hindi pansinin ng mga tao dahil sa nerd niyang itsura. Never niyang inisip magkaroon ng asawa o kahit boyfriend lamang na mayaman dahil payak lang namang buhay ang meron siya, at napakaimposible niyon para sa k...