LAHAT ay nakayuko at walang imik dahil sa tensiyon na bumabalot sa loob ng aming departamento. Lahat kasi ay nakikiramdam sa posibleng mangyari.Ito na naman tayo.
"What the hell happened? You are supposed to be the one who will handle the situation but you damn worsen it. Damn idiot!" Galit na wika ni Adam.
Napaigtad kaming lahat matapos itapon ng boss namin ang mga hawak nitong folder kung saan naroon ang mga resume ng mga iinterviewhin sana sa araw na ito.
"I-I'm very sorry, s-sir" Nanginginig ang boses na paumanhin ng head namin habang nakayuko.
Hindi ko alam ang buong pangyayari pero base sa mga nasagap kong balita mula sa mga naririnig kong usapan ay hindi naging maayos ang pagbibigay ng schedule for interview kung kaya't nagkakagulo ngayon. Kailangan na ng kompanya ng mga intern pero hanggang ngayon ay wala pa rin dahil sa problema sa schedule.
"I don't need your fucking sorry. I need smooth work" Narinig kong wika ni Adam na nagpakawala pa ng isang marahas na hininga pagkatapos. "You are damn fired! Useless" Dagdag pa nito na nagpapitlag sa akin.
Hindi na bago sa akin o sa amin ang ganitong eksena pero kahit madalas na iyong mangyari ay hindi pa rin ako sanay. Ayaw ko man maramdaman pero kumikirot ang aking puso kapag alam ko na mayroon na namang isang empleyado ang mawawalan ng trabaho.
Sa katulad naming mahirap at may umaasa ay hindi madaling mawalan ng trabaho. Masakit iyon para sa amin.
"P-pero sir, parang awa niyo na po. K-kailangan ko po----"
"I don't have pity for useless person like you. Tsk! Fucking get out of my sight"
Pero siguro nga ay may ilang katulad nitong mayaman ang balewala lamang iyon. Marahil ay hindi nito iniisip kung ano bang klaseng buhay meron ang mga empleyado nito.
Nang makarinig ako ng papalayong yabag ay saka pa lamang ako nag-angat ng tingin. Tanging likod nalang ni Adam ang nakita namin na ngayon ay inis na naglalakad palabas ng aming departamento.
Nawala ang atensiyon ko sa papalayong si Adam no'ng makarinig ako ng mga dabog mula sa head namin. Bumaling ako dito. Napansin ko ang galit nito sa mukha habang lumuluha.
"Hayop! Hindi porke't siya ang boss dito ay p-pwede na niyang gawin ang l-lahat ng naisin niya. Siya ang walang kwentang tao! Wala rin naman siyang mapapala kung wala siyang maliliit na empleyado na katulad ko." Galit na paulit-ulit na usal nito. Nagulat ako sa inaasta nito dahil para itong nawawala sa sarili habang inaayos ang mga gamit.
Mula sa galit na ekspresiyon ay bumakas sa mukha nito ang labis na pagkabigo at sakit. "H-hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. K-kailangan ko ng p-pera para sa operasiyon ng asawa ko. H-hindi ito maaari. H-hindi ito pwede, h-hindi pwede" Paulit-ulit na usal nito sa sarili kasabay ng pagtulo ng mga luha nito. Ramdam ko ang nararamdaman nitong depresyon at kawalan nito ng pag-asa.
Nakatulala na nagsimula itong maglakad palabas habang labit ang isang kahon kung saan naroon ang mga gamit nito. Nakaramdam ako ng awa para dito.
Sa tingin ko ay may ideya na ako kung bakit hindi nito nagawa ng maayos ang trabaho nito. Gusto ko itong tulungan pero hindi ko alam kung paano.
"Nakakatakot talaga ang boss natin"
"Hindi na naawa sa head natin. Sana manlang binigyan niya ng second chance"
BINABASA MO ANG
TACIMH:That Arrogant CEO Is My Husband ✔ [COMPLETED]
RomanceIsa lang siyang ordinaryong empleyado, hindi pansinin ng mga tao dahil sa nerd niyang itsura. Never niyang inisip magkaroon ng asawa o kahit boyfriend lamang na mayaman dahil payak lang namang buhay ang meron siya, at napakaimposible niyon para sa k...