TACIMH: Kabanata 18

9.2K 222 30
                                    


"Please take your dinner first, Celestina. I'll wait you upstairs" wika ni Adam nang makarating kami sa bahay at pagkatapos kaming salubungin nina inay, lolo Segundo at ng kapatid kong si Tina.

Nasundan ko nalang ito ng tingin. Bahagya pa akong napakunot-noo no'ng mapansin ko na huminga pa ito ng malalim na para bang pagod na pagod ito at may malalim na iniisip.

"A-ang s-swerte mo sa a-asawa mo, a-anak" Pukaw sa akin ni inay na ikinatingin ko dito. Nasa mga mata nito ang kinang, senyales na natutuwa ito.

"Po?"

"Ngayon palang nakauwi si kuya Adam simula nang madala ka kahapon sa ospital, ate" singit naman ni Tina habang nakangiti.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni lolo Segundo na siyang nagpakunot sa aking noo. Bumaling ako dito. Makahulugan naman itong ngumiti sa akin. "Sobra 'yung pag-aalala niya sayo, iha. Hindi ka niya talaga iniwan sa ospital kahit pa may mga problemang nangyari sa kompanya. At hindi rin siya naligo at natulog" Tumawa ito ng mahina. "Napansin mo ba na 'yun pa rin 'yung suot niya? Haha hindi na niya kami inabala na puntahan kayo sa ospital dahil siya na daw bahala sa asawa niya" Pagpapatuloy nito na para bang kinikilig pa.

Napatingin ako bigla sa may hagdan kung saan naglakad patungo sa kwarto nito si Adam. Noon ko lang napagtanto na 'yun pa nga rin ang suot nito no'ng huli kaming magkita sa kompanya. Bigla ko rin naalala ang galit nitong tinig kanina sa ospital no'ng magising ako, siguro nga ay may problema na naman sa opisina.

"Ay s'ya, iha. Kumain kana muna para mabawi mo ang lakas mo" Muling pukaw sa akin ni lolo Segundo na naglakad na patungong kusina.

Bahagya naman akong napangiti at sumunod na rin papuntang kusina pagkatapos. Ako na rin ang nagtulak sa wheel chair ni inay.

Pagkatapos kumain ay nagsimula nang manood ng TV si lolo Segundo kasama si Tina na halatang nagkakasundo sa pinapanood na Tom and Jerry. Halos hindi magkamayaw ang mga ito sa pagtawa. Napailing-iling nalang ako habang napapangiti.

Inalalayan ko nalang si inay patungong kwarto nito para makapagpahinga na. Bahagya pa akong nagulat nang hawakan nito ang kamay ko. "Bakit nay? May problema po ba?"

Sumenyas ito na lumapit ako kung kaya't umikot ako paharap at iniluhod ang isang tuhod upang magkalapit at magkapantay kami ni inay. Napangiti ako no'ng ngumiti sa akin si inay habang hinahaplos ang aking pisngi. "A-alam ko na hindi k-kayo ayos ng a-asawa mo nitong mga n-nakaraang araw, a-anak. A-ang away sa mag-asawa ay h-hind--- n-nawawala pero s-sana hindi 'yun gawing d-dahilan para s-sumuko---- b-bagkus ay g-gawing pundasyon sa mas matatag na r-relasyon" Madamdaming wika nito habang patuloy na hinahaplos ang aking pisngi.

Napayuko naman ako at nakaramdam ng konsensiya. Ang bigat sa loob na pagsinungalingan si inay.

Nag-angat ako ng tingin. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago nagsalita. "A-ah nay ang t-totoo po----"

TACIMH:That Arrogant CEO Is My Husband ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon