MGA ilang segundo ko pang tinitigan ang dalawa hanggang sa unti-unting sumuko ang dibdib ko dahil sa sakit na tuluyang sumakop sa akin.Tumayo na ako sa aking kinauupuan upang umalis na sa lugar na iyon. Baka hindi ko na kayanin pa kung hindi pa ako aalis.
"Best" Narinig ko pang tawag sa akin ni Vivian pero hindi ko na ito nilingon pa.
Sinubukan kong huwag pansinin ang dalawang taong madaraanan ko sa may pintuan pero naninikip ang dibdib ko nang maramdaman ko ang kamay ni Adam na kumapit sa aking braso.
Kung pwede lang na huwag na ako nitong bitiwan pa... pero... naramdaman ko rin ang unti-unti nitong pagbitaw sa akin.
"Be happy with him" Mahinang wika nito bago ako tuluyang pinakawalan at pumasok sa coffee shop kasama si Lorraine.
Hindi ko na napigilan pa ang tuluyan kong pagsabog. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko.
He's so arrogant and mean.
Sobrang sama nito para wasakin ang puso ko na ngayon lang nagmahal ng wagas.
Ang tahimik na pagluha ay napalitan ng paghikbi ng maramdaman ang mga bisig na yumakap sa akin.
"Sssh please stop crying, love. Let's escape here" mahinang usal nito sa may tainga ko bago ako inalalayang maglakad palabas ng coffee shop.
Nang matapos ang pagluha ko ay doon ko lang napagtanto na nasa sasakyan na pala ako ni Ivan habang pinagmamasdan ako nitong mabuti. Muli ako nitong inabutan ng tissue para punasan ko ang aking mukha.
Nandito pa rin kami sa harap ng coffee shop ng bestfriend ko. Hindi ko na nagawa pang tanungin si Ivan kung bakit nandito ito ngayon. Pero lihim akong nagpapasalamat sa biglaan nitong pagdating dahil nailigtas ako nito sa isang malaking kahihiyan.
Bahagya pa akong napapitlag ng dumantay ang daliri nito sa mukha ko para alisin ang humarang na buhok sa aking mukha. Agad kong naramdaman ang pagdistansiya nito dahil marahil naramdaman nito ang pagkailang ko. Nakonsensiya naman ako bigla.
"I'm sorry/ s-sorry" sabay naming wika nito.
Ilang segundong katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa hanggang sa basagin nito iyon sa pamamagitan ng pagpapakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
"Are you ok now?"
Napatingin ako dito. Makikita sa mukha nito ang sobrang pag-aalala at... kalungkutan. Muli akong nakonsensiya at nakaramdam ng hiya kung kaya't agad akong nag-iwas ng tingin.
Tumango ako bilang tugon.
Hindi ko napigilan lingunin ang kinaroroonan nila Adam at Lorraine. Nakikita ko mula dito na masayang nagkukwento si Lorraine habang tahimik na nakikinig dito si Adam.
Huminga nalang ako ng malalim. Umiwas nalang ako ng tingin sa mga ito dahil ayaw kong mas saktan pa ang aking sarili.
"I-if he can't treat you right" Pukaw sa akin ni Ivan na siyang katabi ko ngayon. Tumigil ito sandali. "Then I can treat you better... if you'll allow me"
Hindi ako nakaimik sa sinabi nito. Napakagat-labi ako upang pigilan ang nagbabadya ko na namang luha.
"B-but I know, y-you'll not." wika nito na sinundan pa ng mahinang pagtawa.
Marahas itong bumuntong-hininga pagkatapos. "So, paano ba yan?"
Napatingin ako dito. Nakangiti ito sa akin pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang lungkot sa mga mata nito. Nilawakan nito ang pagngiti. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan kung ayaw mong lalo akong mahulog sayo. Hays kung bakit naman kasi dumating pa sa buhay mo iyang torpeng Adam na 'yan e"
BINABASA MO ANG
TACIMH:That Arrogant CEO Is My Husband ✔ [COMPLETED]
RomanceIsa lang siyang ordinaryong empleyado, hindi pansinin ng mga tao dahil sa nerd niyang itsura. Never niyang inisip magkaroon ng asawa o kahit boyfriend lamang na mayaman dahil payak lang namang buhay ang meron siya, at napakaimposible niyon para sa k...