Chapter 9: Fond Feelings

17 3 0
                                    

Humikab ako dahil sa pagkaburyo habang hinihintay na matapos si Professor Jed sa ginagawa niya.

"Eto na ang reports. Andiyan na pati ang financial statements." At kinuha ko ang inabot niyang files at tiningnan ang loob nun.

"Noong nakaraan pa dapat 'to." ang sabi ko ngunit nginisihan niya ako.

"Alam mo namang maraming ginagawa ang poging propesor mo, tsaka nung nakaraan, nagkaroon ng problema sa ibang students."

I shrug and keep the folders on my back pack.

"Yung competition nga pala---"

"Not gonna happen."

Tumawa siya at tinapik ang likod ng ulo ko. "Sinasayang mo'ng talento mo."

Sumimangot ako at umismid, "It's just a hobby. I don't have plans to show it."

Ang dami niya pang sinabi para lang mapilit ako, but I just ignored it. Nakakayamot na siya.

Inilibot ko na lamang ang paningin sa loob ng office nila. The spacious room had a mahogany-colored style. Pumupunta lang ako rito kapag walang tao, maliban sa kanila ni Ms. Mendivel.

"Nga pala, kamusta si Ms. Mendivel?" tanong ko kaya't natigil siya sa pangungulit.

"Bakit ako ang tinatanong mo?" balik tanong niya habang alanganing tumatawa.

Nagkibit-balikat lamang ako na parang wala akong nalalaman. Biglang bumukas ang pinto ng office room at pumasok si Ms. Mendivel, as I predicted...

"Good morning! At last nakabalik na rin." bungad niya ng tuluyang makapasok.

Napadako ang tingin ko kay Professor Jed na akala mo'y nakakita ng dyosa. Gladly, the Mendivel became an angel. I was saved by the bell.

"I was gone for two weeks. Kamusta Mr. Meneses?" She asked while arranging the folders and envelopes on her desk.

"I'm still me." And I stood up.

"Welcome back! Kamusta ang orientation?" Biglang tanong ni Professor Jed sa kaniya.

"Nakakapagod, pero worth it. Salamat kay Mr.---"

"Don't mention it. Siguradong tambak ang trabaho mo dahil hindi niya nagawa ang ibang tasks. He's busy entertaining those college ladies."

"Sir Jed! Akala ko ba ginawa mo?" Disappointed na atas niya.

"G-ginawa ko na! Nasa kanya na nga ang report---"

"May kulang." I said, cutting him off and putting the files on Ms. Mendivel's table.

"Seryoso?" Namamangha niyang tanong.

"I'm off." I waved my hand as I turned my back and left the office.

I sighed and stood at the middle of the corridor, nag-iisip ng magandang gawin. I still have 3 hrs vacancy. Marami ring students sa art club, masyado ring mainit sa field at rooftop. Maybe, I'll just sleep in the clinic.

"GABI!!!"

I closed my eyes tightly and breathed deeply. Calm down Eve...

"Andiyan ka lang pala! Tara sa library!" Sigaw niya mula sa likod. Hindi pa ako nakakalingon ng hatakin niya na ang braso ko at kinaladkad.

"May pag-aaralan tayo! Nagpromise ka sa akin na tutulungan mo ako hindi ba?!"

"T-teka lang!" I failed to protest. Tinahak na namin ang daan papunta sa library. She's not bothered about the other students who we crossed paths with.

"Sabing sandali lang!" I hissed at sa wakas, nakapalag. Huminto ako kaya't agad niya akong hinarap.

Parang maluluha na naman siya. Hindi ba siya nahihiya sa itsura niya ngayon?

𝐏𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐯𝐚𝐬✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon