Biglang naupos na parang kandila ang panandaliang saya. Pakiramdam ko ay may kumukulo sa sikmura ko.
"Gabi, andito ang dad mo." Aniya habang nakangiti at pinapasok na nga ang taong iyun.
"Nagdala lang ako ng makakain." At pinakita ang mga dala niya.
"Wow! Sakto po! Mukhang may naaamoy akong letchong manok ah!" Darlene exclaimed and help my father on his paper bags.
Tumulong na rin si Paolo na ayusin iyun sa maliit na mesa sa living room while I'm just leaning against the wall, watching them. Mas lalong kumulo ang dugo ko. Hindi na niya kailangang magpakita at pumunta rito.
"Marami akong dalang pagkain. Saluhan mo kami, Eve..." Aya ng magaling kong ama.
"You're not even welcome here." Mapaklang sagot ko.
"Gabi..." Darlene's interference habang nagtataka ang mga titig nito.
Paolo nodded at me, gesturing to join them. For mom's sake, I'll try to make my anger sublime. Taking a deep breath, I sat in front of them.
"Eat up..." my father said and put food on my plate. Hindi na ako umimik at kumain na lamang. There's a gentle pat on my back, Paolo did it.
Nagsimula silang magkwentuhan. Napag-usapan ang kung ano-anong bagay hanggang umabot sa usapang hindi ko matagalan.
"Tutal po at birthday ng mama ni Eve, pwede po bang ikwento niyo kung paano kayo nagkagusto sa isa't isa. I mean...yung love story niyo po..." Darlene asked.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at walang lingon-likod na umalis papuntang kusina at uminom ng tubig. I can't stand it, I will never stand it.
Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko. Kahit anong pilit kong iwaksi ang galit, hindi ito mawala wala.
"Eve, walang alam si Darlene. Kung maaari, pagpasensiyahan mo na. Basta't alalahanin mo lang..." wika ni Paolo. Hindi ko napansin ang presensiya niya dahil sa gulo ng isip ko. He tapped my back twice before going back in the living room.
Kita ang saya sa mukha ni Darlene habang nakikipag-usap. She can't read the situation. I hate people who pick-up things slowly.
"As in po?! Sobrang ganda naman po ng first meeting niyo..."
Kahit anong pilit ko, hindi ko magawa.
"She's my first love. Lahat na siguro nasa kaniya, and I realized that after all this time, andito pa rin ang pagmamahal na 'yun. Hanggang ngayon, siya pa rin pala ang babalik-balikan ng puso ko..." He said, but more likely talking to himself. Well, it's not true.
"Ang unrequited naman po ng pagmamahal niyo sa mom ni Eve."
It's not true...
"Yeah, I guess it is..."
He's lying. He's a liar.
"I hope one day, magkaroon din ako ng ganiyan kagandang love story."
"So you're dreaming of a fake love? Don't be silly, hindi mo gugustuhin..." I said to her that made her look at me with rage.
"Ano bang problema mo? Kanina ka pa ah." Naiinis na sagot niya.
"Just be thankful. Nakasisiguro ka bang lahat ng sinasabi ng taong 'yan totoo? Wag ka ngang uto-uto..." I replied while looking at her blankly.
"Ang sama talaga ng ugali mo. Kahit papa mo hindi mo tinatrato ng maayos."
Nagpagting ang tainga ko sa sinabi niya kaya't nasipa ko ang katabing upuan.
BINABASA MO ANG
𝐏𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐯𝐚𝐬✓
Teen Fiction[Soon to be Published] BLURB Eve I. Meneses, a principled fourth year Architecture student and an artist who started hating people after what happened two years ago which changed his outlooks in life. The loathing in his heart created an overwhelm...