Chapter 34: Frail

16 2 0
                                    


Medyo matagal-tagal na akong hindi napunta rito. The elegant look of the office still didn't change at all. Kung bibigyan ng pagkakataon, gusto kong tumambay rito.

"Mabuti at nakabisita ka. Kamusta Mr. Meneses?" Ms. Mendivel asked kaya't nahinto ako sa paghanga sa office.

Nakatayo ako sa harap ng office table niya habang siya'y abala sa tinatype niya sa computer.

"I'm just... good. Asan si Professor Jed?"

"Nasa labas. Maya-maya darating na 'yun." at pagkatapos ay nag-angat ng ulo upang harapin ako.

"I heard you went home for a week without saying anything."

Kumunot ang noo ko sa pagtataka kung bakit niya nalaman. Natawa siya at bumalik sa ginagawa niya.

"Kanino ko pa ba malalaman? Edi sa taong laging updated sa'yo." Aniya na hindi ko na dapat pang pinagtaka.

I sighed deeply and bowed my head in front of her.

"I'm sorry. I'm sorry for making a lot of trouble..." I sincerely apologize at inangat ang ulo sa pagkakayuko. Gulat at pagtataka ang rumehistro sa mukha niya, then eventually smiled at me. She's about to say something when the office door opened at pumasok si Professor Jed.

The reason I came here is to apologize. Tanggap kong nagkamali ako, lalo sa mga taong malapit sa buhay ko. I'm about to speak ngunit hindi ko inaasahan ang taong kasunod niya. Pareho silang napahinto dahil sa hindi nila inaasahang presensya ko. Hindi ko pa alam sa sarili kung handa kong makita ang taong isa sa kinasuklaman ko.

"Mr. Meneses, hindi ka ba abala ngayon? Gusto ka sanang makausap ni Mr. Rodrigo..." kalmadong pagkakasabi ni Professor Jed at binigyang daan si Mr. Rodrigo. I look away and glance at Ms. Mendivel na binigyan lamang ako ng nag-aalangang ngiti.

Naikuyom ko ang kamao bago ipilit ang sariling harapin siya.

"Mr. Meneses... I-i'm begging. Can you please lift the p-punishment? Kailangan ko ang t-trabaho para sa m-mama ko..." pagmamakaawa niya.

I closed my eyes tightly while still forming my fist. Lahat ng nangyari noong nakaraan ay bumalik sa isipan ko. The wound healed yet the scars remained kahit pa lumipas na ang buwan. I heave a deep sigh and opened my eyes at hinarap si Professor Jed.

"Tell Mr. Arellano to lift the banning order, in return, Mr. Rodrigo will no longer work in Ilarde College but may apply to other universities without a bad record on his career reputation..." wika ko pagkatapos ay tumalikod para umalis. I heard Mr. Rodrigo weeped bago ko maisara ang pinto. I walked in the corridor with unexplained emotions.

"Mr. Meneses!" rinig kong tawag ni Ms. Mendivel bago lumapit sa akin.

Bahagyang niluwagan ko ang pagkakatali ng suot kong necktie para makahinga ako ng maayos bago siya harapin ng bahagya.

"Say, am I a bad person?" I asked nang tuluyan na siyang makalapit sa'kin.

"You are not. You're a good person..." and she caressed my back after saying it.

"Pero bakit? Hindi pa rin mawala ang galit? I'm convincing myself, yet I still can't. I can't put myself to be able to forgive..." I hissed and clenched my jaw. Ang kapal ng mukha kong humingi ng kapatawaran, pero hindi ko naman magawang magpatawad sa iba.

She chuckle and mess my hair na ikinasimangot ko sa kaniya.

"Being unable to forgive doesn't make you less of a person. Hindi yun kabawasan sa kabutihan mo bilang isang tao. That very thought of yours, that you feel the need to forgive the people who hurt and did a mistake to you is already part of that kindness. You're already a step ahead on it... Don't forget that..." aniya bago naglakad pabalik ng office.

𝐏𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐯𝐚𝐬✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon