Chapter 21: Last Bloom

48 3 0
                                    

The sun is bathing in the vast blue sea. The clouds like soft cotton occupied the orange skies which will be taken' away by the crimson with the flock of birds travelling through the horizon. The cold breeze and the sound of tidal waves soak my feet above the white soft sand. It's an incredible experience from a breath-taking scenery. The spring finally came...

Sa mga ganitong pagkakataon, ang tanging kailangan ko ay mga gamit para sa pagpipinta.

"Pao! Huwag kang mambasa! Ang lamig lamig ng tubig!" sigaw ni Darlene sa kalayuan.

This spot is an hour away from Paolo's place. Ang usapang maglalakad-lakad lamang sa daan na katabi nitong tabing-dagat ay naudlot dahil nag-aya na silang bumaba at magbabad ng paa. 

This is one of Darlene's plan written on her notebook na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakakalimutan na maisakatuparan.

"Mabuti naman may cellphone ka na." Wika ni Paolo bago maupo sa buhangin kasama ko.

"Nagpumilit siya at bumili para sa'kin." umihip ang sariwang hangin habang pareho naming pinagmamasdan si Darlene sa kalayuan na nagpupulot ng mga shells sa dalampasigan. 

"Kinamumuhian natin 'yung mga taong nanakit sa'tin, at kadalasan, hindi na natin nakikita ang sarili sa ganoong mga pagkakataon, kaya Eve... siguraduhin mong hindi ka maging katulad nung mga taong nanakit sa'yo..." Seryosong pagkakasabi niya na bumasag sa panandaliang katahimikan. I don't get how he came to that thought and just spouted those words out of the blue.

"I won't." maiksi at tanging naisagot ko sa kaniya na tinugunan naman niya ng simpleng mga tango.

"Who cares about those anyway? Kapag gumraduate tayo, mamasyal tayo! San ba maganda? Historical places? Wildlife facilities? Amusement parks or beaches?"

Hinayaan ko na lamang siyang magsalita ng kung ano. Inaatake na naman siya ng kabaliwan niya.

"Sa Maldives! Marami raw magagandang beaches doon. Ano? Libre mo ticket ah?" pabiro niyang sabi sabay tapik sa likod ko at tumawa.

"Spare me with that..." nayayamot kong tugon at umismid, pagkuway natawa ng bahagya.

"Pero pangarap kong mapunta don..."  At pinagsiklop niya ang mga palad tulad ng madalas na gawin ni Darlene. Ang sagwa tingnan...

"Knock it off." I hissed. Humalakhak uli ito na halatang natutuwa sa pang-aasar sa'kin.

"Kapag si Darlene ang gumagawa nun, bumibigay ka kaagad na tila anghel ang nakikita mo... tsk tsk, iba talaga ang fag-eveg..." at tumawa na naman siya. I kicked him, making him fall upon sitting but still continued laughing while lying on the sand, holding his stomach.

Hindi ko na lang din napigilang matawa, hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa paraan ng pagkakatawa niya. Additionally, he's referring her to an angel? I didn't know na may pandak rin palang anghel.

"Kidding aside..." Aniya pagkatapos tumawa at maupo na ng maayos, kaagad niyang iniabot sa akin ang kaniyang kamao.

"Let's graduate and someday, travel together... abroad..." Seryoso ang tonong pagkakasabi niya. I heaved a deep sigh, showing that I didn't mind what he just said.

"Ayaw mo ng fistbump? Mas gusto mo ba yung pinky swear?"

"Shut up---" pero huli na dahil mabilis niyang kinawit ang hinliliit ko gamit ng sa kaniya.

"Pinky swear~" pakantang pagkakasambit niya, sabay tayo at takbo nito nang ambahan ko ng suot kong tsinelas. Malakas ang halakhak niya habang tumatakas papunta ulit kay Darlene.

Tired of exerting a lot of energy, I heaved a deep sigh and watched them arguing for the second time. Ang asaran nila ay napunta uli sa basaan at tulakan sa tabing-dagat. Nagmukha silang mga batang naglalaro na para bang walang problemang darating. Children who don't care about the world, view everything around them in simplicity, nothing seems so complicated in their eyes because of innocence. How I wish to go back and leave everything for the adults to mind.

𝐏𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐯𝐚𝐬✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon