Biglang bumukas ang pinto ng hospital room ko. I flinched because of his sudden intrusion.
"Mabuti naman at maayos na ang pakiramdam mo."
"What do you think?" I bluntly asked.
"Mainit na naman ang ulo mo. Ibig sabihin, magaling ka na."
I sighed, giving up on him.
"May mga dala akong pasalubong. Gusto mo bang kumain?"
Inilatag niya ang maliit na table sa tapat ko at inihanda ang chicken soup. Mabuti't may matino siyang dala ngayon. I took a little portion and tasted it. Masarap ang pagkakaluto nito.
Gaganahan na sana akong kumain kung hindi lang dahil sa pagkanta at pagsayaw niya na nakakadistract. Nakakaasiwang tingnan.
"JAJAN!!!" At humarap siya at ipinakita ang flower vase na puno ng mga makukulay na bulaklak.
"Hindi pa ako patay para dalhan mo ako niyan." Inis kong sambit.
"Sira ka ba? Itong mga bulaklak makatutulong sa'yo para magkaroon ng peace of mind, --- at ito pa!"
Hinalungkat niya pa ang isang paper bag at inilabas ang dalawang pot ng halaman.
"Itong halaman naman, makakatulong sa magandang circulation ng hangin dito sa kwarto. Mas magiging mabilis ang recovery mo. Take it from me!" he said with a proud face. Hinayaan ko na lamang siya at itinuloy ang pagkain.
"At mayroon pa!" Then he open another paper bag at inilabas ang isang laruan.
"Magandang stress reliever 'to! Pisil-pisilin mo lang 'to kapag gusto mong kumalma." At pinisil pisil niya ang mukhang duckling na kulay dilaw na iyun.
"Anong akala mo sa akin, sanggol?"
"Ano ka ba, I-appreciate mo naman ang effort ng mga kaibigan mo. Itong duckling, bigay ni Paolo sa'yo..." Sabay lagay niya sa higaan ko ng laruang pato na 'yon. That guy...
May inilagay pa siyang paper bag sa bed ko kaya't tinignan ko ito.
"Iyan naman, galing kay Darlene. Wag mong sasayangin 'yan, dapat may magawa ka mula riyan."
Binuka niya ito at inilabas ang isang kumpol na chord at isang steel na parang pantahi. Hindi ko alam kung anong tawag nila roon. I got curious that's why I took it.
•••••
I started knitting the chord using the two what-yah-call-it steel, but I fail to make it. Pareho kaming nanood ng tutorial dahil wala kaming ni-isang ideya tungkol doon.
"Tsk, sobrang hirap!" At binato ko iyun sa paanan ko.
"Patience. Paano ka matututo gumawa ng bonnet mula rito kung hindi mo pagtatiyagaan?" Aniya habang abala sa panonood ng knitting techniques.
"How is this thing will be able to relieve stress? Mas lalo lang akong naiistress sa paggawa nito."
He just laughed at me and ignored my complaints afterwards.
Dumagdag ang araw ng confinement ko sa ospital. Ang tanging bumibisita sa'kin ay si Professor Jed.
"Sobrang busy ngayon ng mga kaibigan mo kaya't hindi rin nila magawang bumisita."
"It's not like it bothers me."
"Huwag ka nang magkaila. Sigurado namang nagtataka ka."
I just frown and lie properly on my bed.
"School works?"
"Yeah, and there's more."
I hum and continue what I'm doing.
BINABASA MO ANG
𝐏𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐯𝐚𝐬✓
Подростковая литература[Soon to be Published] BLURB Eve I. Meneses, a principled fourth year Architecture student and an artist who started hating people after what happened two years ago which changed his outlooks in life. The loathing in his heart created an overwhelm...