Chapter 37: Behind her smile

16 2 0
                                    

Habang hawak ang tray ng pagkain ay nakatulala lang ako sa laman ng bowl, iniisip kung ano na ang nangyayare at anong balita sa kaso na abalang inaasikaso ni Professor Jed.

"Eve... kain na." wika ni Darlene at hinawakan ang kamay ko. Napabuntong hininga na lang ako kaya't kinuha niya ang tray na hawak ko at kumuha ng isang kutsarang pagkain na nasa bowl at inilapit iyun sa bibig ko.

"Say ah. Huwag ka na umangal..." seryosong pagkakasabi niya at mas lalong inilapit sa bibig ko ang kutsarita. I took a smile bite and chewed it while continuing my deep thoughts.

"Hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi kung anong sinabi sa'yo ni Prof Jed. Ano nga ba 'yun at ganiyan ka na matuliro? Hindi kita tinanong nung time na iyak ka ng iyak pero sana naman ngayon sabihin mo na sa'kin..." nag-aalalang pagkakasabi niya at inilapag muna ang tray sa gilid ng higaan ko.

"I just... I just don't want to give you any trouble or things that might've cause you pain... hayaan mo na muna... sasabihin ko din kapag-----"

"Kailan pa? Akala ko ba ayos na tayo? Akala ko ba sasabihin mo na sa'kin? Hindi ka naman nag-iisa sa mga problema... ayaw mo bang sabihin dahil wala akong maitutulong?"

"Hindi sa ganun..." I shortly response.

"Fine. I'll let you keep it, in exchange, dapat maubos mo 'tong pagkain..." banta niya at binigyan ulit ako ng isang subo ng porridge. Wala akong nagawa kundi pumayag na lamang at kainin iyun.

Pagkatapos maubos ang porridge na nasa bowl, kaagad niya nang inilagay iyun sa mesa. While properly fixing it there, I moved close and hug her from behind, resting my face on her nape.

"B-bakit?" she asked because of my unexpected action.

"Nothing... let me, just for a while..." I whispered and now buried my face on her neck. It's been a while ng huling maging ganito kami kalapit. Her cherry blossom scent that I just realized that I miss is here, I can freely smell it's fragrance.

Sa lahat ng mga lumabas na katotohanan, ang gusto ko na lang gawin ay magpahinga. I want to rest my body and my mind, and the rest that I wanted is here...

"T-teka lang naman... k-kung umakto ka d-diyan parang j-jowa kita ahhh! U-uy..." halatang nahihiya siya sa ginagawa ko but I just shrug it off and closed my eyes.

"H-huwag ka nga g-gumawa ng f-fake signals kung d-di rin naman a-ano... M-marupok ako! T-tsaka ano... g-ginagawa b-ba 'to ng m-magkaibigan... H-hindi di ba HA HA HA..." she started laughing awkwardly. Hinayaan ko lang siyang dumaldal dahil unti-unti na akong inaantok.

"G-gabi, I-ikaw din, b-baka isipin k-kong ano... k-kasi nga uhhh---"

"Knock it off... I'm sleepy..." I hugged her waist tighter at bigla kong narinig ang pagsinok niya. Alam kong pati siya ay natigilan at parang nanigas sa kinauupuan niya.

"What was that?" inosenteng tanong ko at pinipigilan ko ang matawa.

"I-IKAW NAMAN KASI! S-SABING T-TIGIL!" at napatakip na siya sa mukha. Hindi ko mapigilan ang matawa. Niluwagan ko na lamang ang pagkakayakap ko sa baywang niya.

"H-hindi porket alam mo nang c-crush kita dahil doon sa l-letter ni Paolo sa'yo eh i-took a-advantage mo feelings ko. HA! k-kala mo ah. T-tandaan mo! Magkaibigan pa t-tayo..." Nauutal niyang sambit at hindi makatingin sa akin.

In Paolo's letter for my birthday, he revealed that Darlene has a crush on me ever since. Kung natatandaan ko raw ang list niya noon sa notebook niya ay ginawa daw ni Darlene para maging malapit sa akin. The reason he spilled Darlene's secret is because he wanted to make it as his birthday present as well.

𝐏𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐯𝐚𝐬✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon