The sky is crystal clear, and at the horizon, the thick nimbus stride it's way leaving only it's traces. However, that scenery failed to distract my attention from the crowd that surround the front of the campus. Ang mas nakaagaw pa ng atensiyon ko ay ang mga nakaparadang kotse ng mga pulis sa sariling garahe ng university.Wala akong balak na makipagsiksikan sa kumpulan ng mga tao para lang alamin ang kaganapan. I'm curious though, as there's a commotion inside my university, yet asking someone in the dean's office is much more effective, at dahil na rin doon ang pakay ko, at 'yun ay makausap si Professor Jed.
I'm about to take the separate path from everyone when I noticed Professor Jed in a hurry. Napakaseryoso ng mukha niya habang napapatakbo sa pagmamadali at nakasunod sa isang estudyante at dalawang pulis. There's more about his facial expression, seriousness, but rather... nervousness...
Hindi ko alam kung bakit ang dalawang paa ko ay bigla na lang gumalaw at naglakad pasunod sa kung saan sila pupunta. Maraming nakaharang sa daan pero pinilit kong lumusot kahit na may kadulasan ang daan at dinala ako sa tapat ng department building ko, ang Architect department.
All I hear are the murmuring and the loud sirens of the police cars and the ambulance.
"May nalunod daw na student sa rooftop pool?" rinig kong tanong ng isang estudyante na nasa tabi ko.
"Oo daw, pero off-limits yung rooftop hindi ba? Panong may nakapunta doon?" the other replied.
Pagkatapos kong marinig ang mga salitang iyun ay nakaramdam ako ng masamang kutob. Napakasama na halos pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa hindi malamang kadahilanan. Wala ng pag-aalinlangang napatakbo ako sa hagdan paakyat ng department building kahit na halos kapusin ako ng hininga.
"We're under investigation. Bawal umakyat sa taas!" pigil sa akin ng isang officer but I showed him my I.D., kaya't bahagyang nagulat pa ito bago ako hayaang makadaan.
Habang papalapit ay bumibigat ang hakbang ng mga paa ko. I'm gasping for air but I didn't stop the slow climb. I'm fixated on the light coming from the open door that leads to the rooftop, and the more I get closer, the more I can hear the voices from above.
Kanina pa ako binabagabag ng mga salitang narinig ko mula sa isang estudyante at ang kasamang kutob ay mas lalong dumagdag dahil sa pamilyar na boses na nanggagaling sa itaas, at iyun ay ang tinig ng pag-iyak.
Tatlo lang ang may access sa rooftop, at kami lang ang tanging tao na may hawak ng susi ng pinto. Pilit kong iwinawaksi sa isipan ang masamang posibilidad dahil maaaring mali ang kutob ko, ngunit ang kutob na iyun ang mas nangibabaw nang tuluyan na akong makarating at makita ang sitwasyon. Nagkumpulan ang mga awtoridad at ibang kasapi ng school committee, isa na roon si Professor Jed. Hindi nga ako nagkamali...
Mabagal ang mga hakbang na para bang may nakakapit na mabigat na bagay sa pares ng mga paa ko habang hinahawi ang mga taong humaharang sa aking dinaraanan. Ngayon ay nakatanaw sa puting tela na dahan dahang itinatakip sa isang katawan na nakahiga sa gilid ng pool.
"Eve..." rinig kong tawag ni Professor Jed nang magawa niyang hawakan ang balikat ko pero hindi ko iyon pinansin at dumiretsong pumasok sa dilaw na ribbon na nakapaikot sa area ng pool.
Kaagad kong iniluhod ang mga tuhod kong halos kasinsabay ng mga kamay kong nangangatal sa hindi ko malamang dahilan, na iginalaw ko upang alisin ang puting telang nagtatakip sa katawan.
BINABASA MO ANG
𝐏𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐯𝐚𝐬✓
Teen Fiction[Soon to be Published] BLURB Eve I. Meneses, a principled fourth year Architecture student and an artist who started hating people after what happened two years ago which changed his outlooks in life. The loathing in his heart created an overwhelm...