Chapter 12: Best Friends

12 2 0
                                    

The curtains finally close. I sighed but stopped. Napatayo pala ako mula sa pagkakaupo. I looked around and notice that everyone is looking at me.

"Eve..." bulong na tawag sa akin ni Paolo.

I look at him. Pareho pala kaming napatayo. We got everyone's attention because we're seated in front. It leaves me no choice. I slowly lift my hands at ipinalakpak ang mga ito.

"W-woah! Ang galing niyo..." Paolo said at ginaya ang pagpalakpak ko.

Sumunod rin ang ibang estudyante at nagsitayo habang nagpapalakpakan. They started cheering as well.

"Phew, HAHAHA! Muntikan na, nakakahiya yun. Buti na lang talaga't nakaisip ka ng palusot." he said with amusement and relief.

Hindi ko na siya sinagot dahil sa inis ko. We instantly left the amphitheater because of the murmuring around us. Mas mabuting humayo at magpakalayo-layo. Nakakabw*set.

"Teka, saan ka pupunta?!"

"Rooftop."

"Sandali! Kain muna tayo!"

Umismid lang ako at mabilis na nag-iba ng daan, but to my surprise, nakasalubong namin si Darlene.

"Uy! Sa'n punta niyo?" She instantly asked, quite startled.

"Sa rooftop daw sabi ni Eve, kaso inaya ko munang kumain."

"Sabay na'ko! Nga pala, n-nanood ba kayo ng play?" She asked na parang nag-aalinlangan.

My brows furrowed. Kung umasta parang may ginawang kataksilan. She doesn't have to worry, mayroon naman talaga.

"Ah, yung play? Napanoo---"

"AISH, alam ko namang hindi niyo pinanood. Sa ugali ni Gabi, siguradong hindi niya binigay yung ticket sa'yo, tsaka ang pangit talaga n-nung play..." Aniya na pinangunahan ang pagsagot ni Paolo.

"Yeah. Wala namang kwenta..." I said and lean against the wall.

"Yung totoo, pinanood naming dalawa. Tsaka maganda naman siya, ang galing mo ngang umarte, kaso may isang bagay lang kaming hindi nagustuhan..." buong sagot ni Paolo.

"HUHUHU, sana di na lang kayo nanood eh! Sana hindi na..." Mangiyak ngiyak nitong sabi at sumandal sa pader. Tsk, tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Ginusto rin naman niya...

"Bakit naman? Ang ganda nga ng storya, tsaka ikaw ang nagdala. Hindi mo sinabi sa aming aarte ka pala."

I sighed deeply and glared at Darlene.

"Wag kang mag walling diyan. Tsaka bakit hindi ka pa nagpapalit?" I hissed. Suot niya pa rin ang costume niya. 

"B-basta, ano, wala na akong time. T-tsaka, I t-thought na di niyo napanood..." She murmured but we barely heard.

"The storyline was fine, but your acting sucks, especially the leading guy, LAME. Nasayang lang ang oras ko..." At nauna na akong maglakad at hindi na sila nilingon.

"Ang sungit niya! Napano 'yun? Bakit wala na naman sa mood yun?"

"Inis lang sa nangyare kanina. Basta kung pwede hayaan mo na lang. Hindi ka pa ba nasasanay sa mood swings niya?" bulungan nilang dalawa.

When the awarding came that day, hindi ako sumipot. I heard that Professor Jed was the one who received my award that day. Aanhin ko naman ang plakang iyun?

"Eve, sino ang mauuna sa banyo?"

My forehead knotted at him. Nakaupo ako sa sofa habang siya ay nasa tapat ng banyo.

"Malamang, ako." I replied.

He show his smug face and held his chin up. "Unfair. Hindi porke't ikaw ang may-ari, ikaw na lang lagi."

𝐏𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐯𝐚𝐬✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon