Chapter 46: New Beginning

22 2 0
                                    

Theo's POV:

Ilang taon na ang lumipas, ngunit ang mga kaganapan limang taon na ang nakakaraan ang siyang tumatak sa isip ko. Masyadong masalimuot kahit na sa katunayan, hindi ako ang nakaranas ng mga pangyayaring iyun. Naging saksi lamang ako sa kwento nina Meneses, Darlene at Paolo. Hindi ako makapaniwalang nangyare iyun sa tatlong magkakaibigan.

Iba-iba talaga ang sitwasyon ng bawat tao. Siguro ay nakadepende sa kakayahan ng taong tumanggap ang antas ng problema nitong kakaharapin. Wala naman yatang ibinigay na problema na hindi kayang masolusyunan, maliban na lamang kung kamatayan ang pumagitna sa tao, maging ang mapaglarong tadhana ng mundo.

Ibinaba ko na ang dala kong bulaklak sa mismong puntod. Taon-taon akong bumibisita kagaya ng nakasanayan.

"Huwag kang mag-alala. Nasa magandang pangangalaga lahat ng naiwan mo. Inaasikaso ng kaibigan mo..." wika ko sa puntod na nilumaan na ng panahon.

Siguro, kung buhay pa siya, nasa parehong antas ko rin siya ngayon. Nakapagtapos at may magandang trabaho kagaya ko. Nakakapag-enjoy rin naman sa edad na ito, stress din sa trabaho at ang malala ay maaaring pareho rin yata kaming namomroblema sa lovelife. Welcome to the bachelor's club, sawi sa pag-ibig edition.

I check my wristwatch. Matagal-tagal rin akong naghihintay. Wala pa rin siya. Naupo na lang ako sa damuhan at nagbunot bunot ng mga dahon ng damo. Ganiyan kapag nabuburyo na.

"Hindi ko alam na may lahing kabayo ka rin pala, stray dog."

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang dumating na siya.

"Am i going to call you stray horse starting today?" nang-aasar na tanong niya habang bumababa sa sinakyan niyang bisikleta.

"Oh? Akala ko hinimatay ka na naman sa daan, Mr. Successor." balik na asar ko. Ngumisi lamang siya bago ituon ang atensyon sa puntod ng kaibigan niya.

"Balita ko pupunta ka ng Maldives." wika niya.

"Yeah. I want to breath, mag-iisip isip na rin doon."

"I'll bust your peace of mind. If you have a spare time, kindly check Daylight..." anya na ikinasimangot ko.

"HUH? Bakit ako pa mag-aasikaso ng Hotel & Resort mo 'ron?"

Ngumisi lang uli ito at hindi na sumagot. Para namang may iba akong pagpipilian. Sa huli gagawin ko pa rin.

Akala talaga namin noon na iiwan na kami nitong supladong ito. Totoong nawalan siya ng hininga nung mga oras na 'yun. Sa isip ko noon habang nakikita ko ang kalagayan niya, i knew that he won't last already. Hindi ko na halos siya makilala sa binagsak ng pangangatawan niya. Ngunit sa mga oras na talagang bumigay na siya, hindi ko na rin maiwasan maging emosyonal. Naging kaibigan ko na siya kahit papano, na kahit lagi kaming nagbabangayan at nang-iinsultuhan sa isa't isa.

It's a miracle that time that he opened his eyes after some minute. Mas lalong umapaw noon ang emosyon nang malaman naming nagbalik siya.

Biglang nagring ang cellphone ko. Nang malaman kung sino ito, kaagad akong lumayo kay Eve para hindi niya marinig ang usapan sa tawag.

Habang papalayo ay may nakasalubong akong mag-ina na mukhang pamilyar sa akin. Siguro ay nakita ko na sila noon dito, isang beses nung bisita ko kasama si Meneses.

𝐏𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐯𝐚𝐬✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon