Chapter 29: The Present

17 2 0
                                    


Nang nagdaang mga araw, napansin kong halos walang buhay ang mga nailikha ko. Some were dull and some were dark, just like how I feel for the last weeks. The artworks I made seem to reflect my soul.

The darkness will reside. Ang liwanag ng papalubog na araw ay unti-unti nang naglalaho at umiihip na ang malamig na hangin papasok sa bukas na bintana ng art room ko. I was painting an angel with a dull background when my phone rang.

"Anong balita?", tanong ko nang masagot ko kaagad ang tawag.

"Wala namang problema, ang kaso pabalik-balik yung babae dito at nag-eeskandalo. Napilitan ang orphanage na pagbawalan siyang pumasok, baka raw maapektuhan ang mga bata sa ampunan."

Hindi pa rin nila nakukumpleto ang pera na para sa piyansa. Nananatiling nakakulong si Aling Deborah at siguro'y mabubulok na siya doon. Tama lang sa kaniya iyun.

I hang up the call, but when I return the phone inside my pants' pocket, I accidentally drop the palette, at natapon ang acrylic sa suot kong apron, and what's worst was the paint also stained the canvas, ruining the art that I was doing. Hindi ko mapigilan ang mapamura. Of all things that may happen, ito pa talagang kamalasan. I frowned and looked at the canvas irritatingly, thinking if I could make a remedy. The angel is already tainted.

After the encounter, Sheena's words bothered me. I can't get it off of my head. Binabagabag ako ng mga salitang iyun kahit sa pagtulog but. Hindi dapat ako maapektuhan dahil ginagawa ko lang ang sa tingin ko ay tama. Nararapat lang sa kanila na magdusa para pagbayaran ang mga  nagawa nila, but still, why do I feel this misdirected conscience?

I look at the canvas and think for ways to fix the angel in the painting. Nang makaisip ng paraan, I started stroking the brush  on the ruined surface but I stopped when the room's door suddenly opened.

"Just as I thought, andito ka..." Darlene said. Hindi ko siya pinansin at tinutukan ang pag-aayos sa canvas. I didn't give a glance at naririnig ko lamang ang mga papalapit niyang mga yapak.

There's a moment of silence. Hinihintay ko lamang siyang magsalita tungkol sa kung ano ang pakay niya sa pagpunta.

"Wala ka bang dapat sabihin sa'kin?" she started that made me halt.

"Wala naman akong dapat sabihin."

"N-natiis mo talagang h-hindi ako kausapin..." She stuttered upon murmuring, more likely talking to herself.

"Anong ginagawa mo rito? Anong pakay mo?" diretsahang tanong ko nang hindi siya binabalingan.

"Nakakatampo ka... Naiinis ako sa'yo... nung una pilit kong inintindi yung mga ikinikilos mo dahil sa nangyare... p-pinipilit ko kahit h-hindi ko maintindihan... I thought y-you only need t-time kaya dumistansiya ako... p-pero ang m-marinig 'tong lahat sa'yo... h-hindi na ako magtataka d-dahil totoo n-ngang wala ka n-ngang pakialam... Y-you're heartless in the first place..." her words are full of disappointment at hindi ko lahat nagustuhan ang mga sinabi niya.

Marahas ko siyang hinarap. Nanunubig ang mga mata at seryoso lamang siyang nakatitig habang hawak ang isang bagay na nakabalot.

"Anong gusto mong palabasin?" I nonchalantly stare at her but her brows furrowed.

"Wala..." maiksing tugon niya na ikinainit ng ulo ko.

"Spare me with nonsense talk. Wala akong oras para pakinggan yan. Bakit? Sa tono ng pananalita mo parang pinapalabas mo na naman na ako ang masama..." I grit my teeth in annoyance dahil ako na naman, ako na naman ang lumalabas na mali.

"Siguro nga, tama ka. Kung 'yan ang pagkakaintindi mo, siguro nga ay totoo..." hindi galit kundi sakit ang mayroon sa mga salita niya, but even so... her words aren't acceptable. It's as if she's provoking me.

𝐏𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐯𝐚𝐬✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon