I feel so sick. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na kahit pagdilat ng mata ay hindi ko magawa dahil sa iniinda, pero pinili ko pa ding idilat ang mga mata dahil sa mga boses na naririnig ko, and I barely understand what they're talking.
Ginalaw ko nang bahagya ang katawan na nakaratay sa higaan. Halos wala akong lakas. I open my eyes after and I saw the vague silhouette of a lady and a man at the door entrance of the room.
Nang tuluyan nang makapag-adjust ang paningin ko, nakaalis na ang lalaki at si Darlene na lamang ang naroon sa pinto.
"W-who was that?" I asked and sat on the bed, leaning my back on the headboard.
"H-ha? Ahm... one of the faculty members daw. Nagdala sa'yo nitong basket ng mga mansanas..." Aniya at inangat ang basket na hawak niya.
"Ilang weeks na akong nakakatanggap ng mga mansanas. Mapupurga na yata ako niyan..." I complained but I'm actually grateful because it's apples.
"Huwag ka nga... Pinagkakaila mo pa eh ito yung favorite mo. Always requested pa nga kaya magpasalamat ka na lang..." Sabay irap sa akin at latag ng basket sa kalapit na desk.
As I roam my eyes around, I noticed something at the wall which faces my hospital bed. I'm amazed and quite confused of the things I'm seeing.
"Yan ba? Uhmmm... actually wala sana akong balak ilagay yan diyan kasi alam ko namang wala kang hilig sa mga ganiyan. Pero dahil, sobraaaang bait ko, ginawa ko 'yan. Sayang ang efforts ng mga students mo sa Ilarde kung di ko rin lang ipapakita sa'yo. Mostly pa naman galing sa campus FANDOM mo..." nagtataray ang tono ng pananalita niya.
I forced myself to get off the bed and move close. Hinawakan ako ni Darlene sa braso at inalalayan sa paglalakad hanggang sa makalapit sa pader na ngayon ay punong puno ng iba't ibang kulay ng mga sticky notes with messages on it. Nakaporma ang pagkakadikit ng mga ito sa hugis puso and it's so attractive to see.
"Bakit halos pare-pareho lang ang itsura ng sulat kamay? Only few are different and I'm recognizing almost all the written notes. Ikaw ang nagsulat ng mga 'to, tama ba?" Duda ko na ikinaiwas ng tingin niya.
"H-hindi ah! N-nakakapagod kaya magsulat... Bakit naman ako m-magtiyatiyagang magsulat sa mga n-notes na yan???" tanggi niya na halata namang nahuli na siya.
Hindi ko na binigyang pansin ang pagkakaila niya at binasa ang mga mensahe roon na ikinagalak ng puso ko kahit papaano.
"Tsaka ito pa pala..." aniya at ipinakita ang natapos na niyang pulang bonnet na ikinangiti ko ng payak.
"TADA! Maganda ba pagkagawa ko?" She asked bago isuot sa akin ang bonnet. I smiled and hum bago bahagyang yumuko para maayos niya ng mabuti ang pagkakasuot sa ulo ko na tuluyan nang nawalan ng buhok.
"I already miss your quite curly hair, Gabi..." aniya na ikinatitig ko sa mukha niya. A flash of sadness passed in her round eyes before staring back at me and smiled faintly.
"Can't be helped..." I chuckle and keep staring at her.
Nagbukas bigla ang pinto at pumasok si Theo habang hawak nito ang cellphone at isang basket ng saging. Kaagad kong nailayo ang mukha ko kay Darlene at maging siya ay napalayo nang bahagya sa akin.
"Sorry for interrupting your flirting activities." Theo bitterly stated that made me smirk.
"Here some bananas. Balita ko kasi paborito 'to ng mga kagaya ng lahi mo..." Wika niya at itinabi sa basket ng apples ang dala niya.
"I see. Thank you, but sorry I don't have anything in return. Wala kasing tindang dog foods dito sa ospital." Ganti ko na ikinareklamo ni Darlene.
"Ganiyan ba talaga kayong dalawa magbatian???" takang tanong niya. Theo and I hummed in sync.
BINABASA MO ANG
𝐏𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐯𝐚𝐬✓
Teen Fiction[Soon to be Published] BLURB Eve I. Meneses, a principled fourth year Architecture student and an artist who started hating people after what happened two years ago which changed his outlooks in life. The loathing in his heart created an overwhelm...