Chapter 43: A pathernal love

22 2 0
                                    

Mahaba ang naging byahe. We're already outside the city premises at ang daang tinatahak namin ay papunta na sa countryside.

I asked Theo to get in touch with Exrel. I asked a favor to get some information about someone's location. Ilang oras lamang ang inabot para makuha niya ang lead at ibigay ang impormasyong nakalap niya kay Theo.

Sa daang tinatahak namin ay naging kakaunti na lamang ang mga kabahayan. The nocturnal creatures were making noises heard in our passing car. The city lights were already gone at ang tanging naging liwanag sa daan ay nagmula sa mga street lights ng kalsada.

Makalipas ng ilang oras, we arrived at our destination. He stopped the car at the roadside. Sa bandang kaliwa ng kalsada ay may malawak na palayan at sa kanang parte ay sa kalayuan, may nag-iisang mansion.

"Papasok ba tayo?" tanong niya but I shook my head.

"Just wait here, this won't take long..." I said before leaving the passenger seat and close the car.

Maliwanag ang daan patungo sa mansion. There are lamps at the pathway sides. The area is vast and for sure, it's tranquil to live in here.

Nang dumating na ako sa tapat ng pinto, ang akala kong hindi makararamdam ng kung ano ay nasira dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon. I heave a deep sigh before deciding to press the doorbell.

Nakailang pindot ako doon bago ko narinig ang pag unlock ng pinto mula sa loob. For sure, he already knew that I'm the one who's here because of the peephole.

Gulat ang nakarehistro sa mukha niya nang tuluyan ng buksan ang pinto at makita akong nasa harap non. Even I would be shock if the person who hated me will be in front of my house door.

"A-anong ginagawa mo rito? H-hating gabi na ah?" hindi makapaniwala nitong tanong at dumungaw pa sa likod ko para tingnan kung may kasama ako.

"I-i... uhh..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko. It seems like I lose my words as I came in front of him.

"Pumasok ka muna..." aniya at pinagbuksan lalo ako ng pintuan.

The ambiance inside the mansion is dull. The faint orange light from the chandelier above even added in it's look.

"Maupo ka muna riyan sa sala. Ipagkukuha kita ng maiinom. May gusto ka bang kainin? Pasensya na... wala ngayon ang mga kasambahay kaya't wala ako ritong naihandang luto ng pagkain..." At nagmamadali siyang tumungo sa isang lugar na ang hula ko ay ang kusina.

I look down and just stare on my shoes. Hindi ko malaman kung ano bang nararamdaman ko ngayon. I'm confused by the emotion I have now, I fail to know what exactly it is.

"Here... have some." at ipinatong niya ang dalang hot cocoa drink at isang piece ng cake sa platito.

The coldness outside made me crave for the drink that's why I instantly have a sip on it.

"Eve... paano mo nalamang dito ako nakatira? At bakit ka ngayon pumunta, sobrang late na..." he asked.

Wala akong maisagot dahil sa katunayan, hindi ko rin alam ang rason kung bakit ako pumunta rito. I grip tightly on the mug and just stare at it's content.

"Pinagpabukas mo na sana. May araw pa naman... tsaka paano kung mapano ka? Alam mo namang may sakit ka..." he worriedly scolded.

Sa paraan ng pagkakasabi niya ay tila ba hindi lingid sa kaniya ang malala kong kondisyon... but after hearing those words and by the way he said it in a bit of a scolding, my heart feel swayed for some reason. It feels like I found something that I've been longing for a long time.

Bumuntong hininga siya at inilapit sa tapat ko ang cake na inihanda niya nang hindi pa rin ako sumasagot.

"Bakit? May nangyare ba? May problema ba?" kalmado na niyang tanong na mas ikinayuko ko. I can't explain why but my eyes shed tears once again.

𝐏𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐯𝐚𝐬✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon