Part 4

1.8K 80 22
                                    

Dean's POV

Nang makababa kami ng bundok, agad kaming naligo at nag bihis, pumayag kasi ako kagabi na sumama sa kanila na maglibot dito sa Baguio.

Paglabas ko ng CR, naka-ready na silang lahat at ako nalang yung hinihintay, nakaramdam naman ako ng hiya..

"Saan pala una nating pupuntahan dito?" tanong ni Kyla

"Sa may Wright Park daw muna" sagot ni Jho

"Ready na ba lahat?" tanong ni Nico

"A-Ah, yeah, ready.." sagot ko

Sumakay kami ng van at pumunta na sa Wright Park, ilang minuto lang nandon na kami..

Medyo maraming tao kaya naman medyo kinabahan ako, sinuot ko yung cap ko at salamin, baka kasi may makakilala sakin dito..

"Guys, mabilis lang tayo dito, may iba pa kasi tayong pupuntahan.." sabi ni Ced

Habang naglalakad ako nagulat ako kay Jema na sumabay sakin sa paglalakad..

"Ang ganda dito ano? siguro ang sarap tumira dito.." sabi nya, napangiti ako

"Maganda nga, alam mo bang mababait din yung mga tao dito?" tanong ko sa kanya

"Talaga? pano mo nasabi?" tanong nya sakin

"Ilang beses na akong nakapunta dito eh.. kaya masasabi kong mababait yung mga tao dito" sagot ko, napatango naman sya

"Alam mo, marami na akong napuntahang magagandang lugar, pero masasabi kong mas maganda parin talaga dito sa Pilipinas.." sabi nya sakin kaya napatingin ako sa kanya

"Totoo naman, mas magandang libutin mo muna yung Pilipinas bago sa ibang bansa.." sabi ko, "Alam mo bang marami pa akong gustong puntahan dito sa Pilipinas? Gusto kong makita yung ganda ng Pilipinas.." dagdag ko pa

"Talaga? Ako kasi sa ibang bansa yung mga napupuntahan ko.." sabi nya, natawa naman ako

"Malamang FA ka eh haha" asar ko sa kanya, napangiti lang sya, napatitig ako sa ngiti nya..

Ang ganda... Yung ngiti nya hindi talaga nakakasawa..

"Huy! nakatitig ka sakin? may dumi ba ako sa mukha?" tanong nya sakin

Para hindi nya mahalata na napatitig ako dahil sa ganda nya, nakaisip ako ng idadahilan ko.

"Oo, may muta ka nga eh" sabi ko sa kanya, napakunot noo sya at pinunasan nya yung gilid ng mata nya gamit ang daliri nya kaya natawa ako.. "Haha!"

"W-Wala naman ahh.." sabi nya

"Hahahahah! joke lang..." sabi ko sa kanya, inirapan nya ako pagkatapos inagaw nya yung cap ko na ikinagulat ko, bigla syang tumakbo palayo sakin..

"Huy! balik mo yan!" sigaw ko sa kanya

"Haha! kunin mo sakin!" sabi naman ni Jema habang iwinawagayway yung cap

"OMG! Si Dean Wong yan diba!???" rinig kong sabi ng mga tao na nandon,  napatingin din sakin yung mga kasama ko..

Nagsitakbuhan sakin yung mga tao para magpapicture..

Shit!

Nakita ko si Jema na nakatingin sakin at para bang nagtataka..

"Dean papicture!" sabi ng mga tao..

Wala akong nagawa kundi ang pagbigyan sila, natatakot kasi ako na baka may masabi nanaman sila sa akin..

Dahil sa pagsisiksikan nila natatamaan na ako ng mga siko nila, yung iba naman nababangga at natutulak na ako..

I Never Knew Love Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon