Part 16

1.7K 79 11
                                    

Dean's POV

Nakaramdam ako ng hiya kay Jema dahil sa pinag sasabi ng mga kaibigan ko..

Pero aaminin kong gumaan yung pakiramdam ko ng pisilin ni Jema yung pisngi ko kanina..

Nilagay ko yung airpods sa tenga ko para makinig ng songs..

Bakit ba ganito yung nararamdaman ko sa kanya?

Ang alam ko nagsimula ito nung nasa Baguio kami, iba na yung naramdaman ko sa kanya, hanggang sa naging magka-chat kami sa IG..

Masaya ako kapag nakikita ko sya..

Naiinis ako kapag wala syang message sakin, lalo na nitong mga nakaraang araw.. mukhang iniiwasan nya ako..

At higit sa lahat naiinis ako kapag nababanggit yung Captain na kasama nya sa picture..

Inlove na ba ako sa kanya??

Hindi pwede yun.. hindi pwede to.. natatakot ako, baka masaktan nanaman ako..

Sinabi ko dati na hindi na ako magmamahal eh..

Hay! Siguro crush ko lang sya..

Tama, tama... Crush ko nga lang sya..

Hindi ko na nga muna ito poproblemahin.. sa ngayon ang kailangan ko lang gawin ay i enjoy itong lakad namin..

Napabuntong hininga ako..

"Huy! lalim non ha.. may problema ka?" bulong sakin ni Bei, umiling lang ako, "Talaga? kung kailangan mo ng kausap dito lang ako.." sabi nya sakin, tumango ako

"Thank you Bei.." sabi ko, pagkatapos ipinikit ko yung mga mata ko.

Maya maya, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising lang ako ng may tumapik sa pisngi ko.

Nang imulat ko yung mata ko, nakita ko si Jema, pinagmasdan ko yung mukha nya..

Ang ganda nya talaga.. hindi nakakasawang tingnan..

"Dean, kakaen daw muna.." sabi ni Jema sakin, pero hindi ko sya sinagot, nakatingin parin ako sa kanya

"Huy! tayo nalang yung nandito.. nauna na sila sa loob.." sabi ni Jema, "Sumunod ka nalang doon ha.." dagdag nya pa, lalabas na sana sya pero bigla kong hinawakan yung kamay nya at hinila ko sya palapit sakin pagkatapos niyakap ko sya, halatang nagulat siya dahil sa ginawa ko..

Kahit ako nagulat din sa ginawa ko, kusang gumalaw yung katawan ko, wala na akong nagawa kundi ang pumikit habang yakap yakap sya..

"W-Wag ka na uli magagalit sakin ha.. nalulungkot ako kapag ganon yung trato mo sa akin.." bulong ko sa kanya habang nakapikit..

Rinig na rinig ko yung tibok ng puso ni Jema..

Maya maya, narinig ko yung buntong hininga ni Jema, pagkatapos niyakap nya na din ako kaya napangiti ako..

"Sorry.. sorry sa inasal ko kanina.." sabi nya sakin, tumingin ako sa mukha nya habang nakangiti

"Bati na tayo?" tanong ko sa kanya, ngumiti din sya at tumango, humiwalay sya sakin

"Tara na.. kakaen na, nagugutom na ako eh.." sabi nya habang nakangiti, hinila nya ako palabas ng van, wala naman akong nagawa kundi ang magpadala sa pagkakahila nya..

Magkasabay kaming pumasok sa restaurant..

"Wow! hahaha iba ngiti ni D ngayon ha, maganda ata gising?" tanong ni Ced

"Hahaha.. ang sabihin mo, maganda yung gumising.." asar ni Tots sa akin, natawa naman ako.. Napatingin ako kay Jema, nakita kong namumula yung pisngi nya, pero nakangiti parin sya..

I Never Knew Love Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon