Dean's POV
"Deans, labas na dyan sa kwarto mo.. hindi na magre-reply yun!" sigaw ni Tots, nandito sila ngayon sa condo ko at nanggugulo.
"Hahahahah! umaasa bro!" rinig kong sabi ni Pangs.
Gago talaga tong mga to..
Isang araw na din yung nakakalipas simula ng mag chat sakin si Jema, ayaw ko naman na mag chat uli sa kanya dahil baka anong isipin nya sakin, hindi na kasi uli sya nakapag reply, yung 'hi' lang yung last message nya..
Nakadapa ako ngayon dito sa kama ko habang nakatingin sa phone ko, hinahayaan ko lang sila Tots na gawin yung gusto nila dito sa condo ko.
Tok! Tok! Tok!
"Bro! Wala ka na bang mga stock na beef dito? magluluto sana ako ng beef steak.." rinig kong sabi ni Pangs mula sa labas ng kwarto ko, naparoll eyes ako bago ako tumayo at naglakad papunta sa pinto.
Pagbukas ko bumungad sakin yung nakakainis na mukha ni Tots
Akala ko si Pangs..
"Hi! hahah! balita ko hindi ka pa naliligo.. kaya pala ang baho mo na.. hahaha!" asar ni Tots sakin, inamoy ko yung sarili ko..
Gago talaga to.. hindi naman...
"Gago! gusto mo tumira ka pa dito sa katawan ko eh!" sabi ko sa kanya
"Yakk.. wag nalang.. haha!" sabi nya
"gusto mo bang mapaalis dito sa condo ko ngayon din?" tanong ko sa kanya
"Ay! wag naman, makikikaen pa nga ako eh" sabi nya habang nakanguso
"Deans, hindi ka pa ba nag-go-grocery? gusto mo samahan ka namin?" tanong ni Pangs kaya napatingin ako sa kanya, tinitingnan nya yung laman ng ref ko..
Oo nga pala hindi pa ako nakapag grocery..
"Oo nga Deans, bili na din tayo ng alak.." sabi ni Bei habang nakaupo sa sofa at nakatingin sa phone nya
"Ok, wait lang, maliligo lang ako.." sabi ko sa kanila
"Wag na! ok na yan bro! pogi ka padin!" pagpipigil sakin ni Tots, naglakad ako papunta sa salamin at tiningnan yung sarili ko..
Tama nga si Tots, ok pa yung itsura ko,
Tumingin ako sa kanila
"Edi tara na.." aya ko sa kanila, kinuha ko yung cap ko at lumabas ng condo, sumunod naman sila sakin
Nang makarating kami sa parking area, sasakyan ni Bei yung ginamit naming sasakyan papuntang Savemore. Nang makarating kami sa Savemore kanya kanyang cart yung dala namin, pero magkakasama parin kami.
Para ganahan akong mamili inilagay ko yung AirPods sa tenga ko at nakinig ng kanta..
"🎶Yeah! Labis na naiinip, nayayamot sa bawat saglit.... kapag naalala ka, wala naman akong magawa.... hmmm hmmmm hmmm🎶" kanta ko pero mahina lang
San kaya yung pancake powder dito??
Nagpalinga linga ako..
"Ahh ayon.." sabi ko sa sarili ko, napatingin ako sa mga kasama ko, ang dami nilang kinuha na hindi naman kailangan
Tsss! ang gagastos talaga... pero pabor sakin yan, alam kong iiwanan din naman nila yan sa condo ko..
Pinagpatuloy ko yung pag-go-grocery ko..
"Umuwi kana baby... umuwi kama baby..🎶" kanta ko uli..
Pumunta ako kung saan nakalagay yung mga hotdogs, ham, tocino etc.
![](https://img.wattpad.com/cover/309245446-288-k890017.jpg)
BINABASA MO ANG
I Never Knew Love Till I Found You
FanfictionDean Wong didn't believe in love until he met a girl who could change his beliefs.