Jema's POV
"Jema, bukas uli yung byahe natin pabalik sa Pilipinas.." sabi ni Mich habang nakahiga sa kama
"Oo nga eh, mahaba habang byahe na naman pero ok lang.." sagot ko
"Akala ko nga ngayon balik natin eh" sabi ni Mich
"Kaso nagka problem kasi kaya na re-sched bukas.." sabi ko naman
Wala kaming ginawa ngayon ni Mich kundi ang gumala, naka rest kasi kaming dalawa, kaninang hapon sana yung balik namin sa Pilipinas kaso nagkaproblema kaya na re-sched bukas ng umaga.
"Good night Mareng Jema.. inaantok na talaga ako.. napagod ako.." sabi ni Mich, nginitian ko sya
"Good night.." sabi ko din, lumapit ako sa kanya para mag beso pagkatapos bumalik ako sa kama ko.
Kinuha ko yung phone ko at tiningnan kung nag reply na ba si Dean, hindi pa kasi sya nag re-reply simula kahapon..
Anong nangyare don? o baka busy lang??
Nag scroll ako sa IG ko para tingnan yung mga post ng mga kaibigan ko hanggang sa...... napaupo ako dahil sa nakita ko, biglang kumunot yung noo ko...
Binasa ko yung caption...
My only one.. ❤️ #Dare!
@totscarlos, @panagaj, @_beidel, @_carlyhernandez
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot at inis..
Bagay sila.. parang model yung babae..
Binasa ko isa isa yung mga comments
totscarlos: bwahahahahaha nakaganti din!! sa wakas!!!
panagaj: hahahah! love! love! love!❤️
_carlyhernandez: Kayo talaga.. hahaha!
pingpongponggay: OMG! akala ko ba hindi na ma iinlove to? pero bagay! 😍
ririmeneses: Nilunok na nya yung sinabi nya dati hahah! nabulunan pa nga.. 😂😂
_beidel: Wag kayong maingay! tulog na si Dean.. gigising to na trending nanaman sya Hahahahah!
Ang dami ko ding nabasa sa comment na kinikilig sila.. sinasabi nila na happy sila para kay Dean..
Kaya pala hindi na sya nag re-reply..
Sabi ko na eh.. biro lang yung pinag gagawa nya sa plane nung nakaraang araw..
Napabuntong hininga ako..
Pinuntahan ko yung pinag me-message ko kay Dean at pinag bubura iyon, pagkatapos kong mabura iyon inis kong inilapag yung phone ko...
Humiga na ako sa kama ko, pero ilang oras na yung nakakalipas hindi parin ako inaantok.. Hindi ako mapakali, parang ang sakit kasi ng puso ko, hindi din maalis yung inis ko, parang gusto kong umiyak ng walang dahilan..
Tsk! ano ba! nakakainis na ha...
Bumangon ako sa kama ko at pumunta sa ref para kumuha ng tubig, nang makainom ako ng tubig bumalik ako sa kama ko at nahiga..
Maya maya dinalaw na ako ng antok at nakatulog na...
Kinabukasan..
Maaga palang nandito na kami sa airport ng San Francisco..
Nakasalubong ko si Captain de Jesus
"Good Morning Jema... mahaba-habang byahe na naman.." sabi nya sakin habang nakangiti

BINABASA MO ANG
I Never Knew Love Till I Found You
FanfictionDean Wong didn't believe in love until he met a girl who could change his beliefs.