Jema's POV
Isang buwan na simula ng makabalik kami dito sa Pilipinas.
Simula ng naging kami ni Dean palagi na kaming nagdi-date at kumakaen sa labas, at dahil sikat ang boyfriend ko ang daming fans na kumukuha ng mga stolen picture naming dalawa kapag magkasama kami.
May mga natuwa, at syempre meron ding nagalit.
Hindi pa man din kami nag iisang buwan ni Dean ang dami dami ko ng natatanggap na pangba-bash mula sa mga fans nya.
Kesyo pineperahan ko lang daw si Dean, gusto ko lang daw sumikat, paepal daw ako, sasaktan ko lang daw si Dean, ang dami dami nilang sinasabing masama tungkol saakin.
Ano bang alam nila?
Ano bang alam nila sa pinagdaanan naming dalawa ni Dean?
Minahal ko lang naman yung tao.
Pero katulad ng sinabi ko sa mga kaibigan ko, hindi ako magpapa apekto sa mga fans ni Dean dahil para sa akin, si Dean ang mahalaga, wala akong pake sa sasabihin ng mga tao, dahil nagmamahalan lang naman kaming dalawa.
"Bes, grabe naman itong mga fans ni Dean, hay! mga paepal talaga ano? below the belt na ang nasasabi sayo" sabi ni Kyla sakin
"Hayaan mo sila kung anong sabihin nila bes, tulad nga ng sinabi ni Dean may masasabi at may masasabi talaga sila.." sabi ko kay Kyla
"Oh? Pero ang sasakit ng mga sinasabi, hindi ka manlang ba kayang ipagtanggal ni Dean?" tanong uli sa akin ni Kyla
"Ayaw ng patulan ni Dean yung mga nag babash sakin, kasi kapag pinapatulan daw yung mga yan mas lalong nag iingay.." sabi ko
"Hay naku! oh kamusta naman kayong dalawa ni Dean?" tanong nya sakin, napangiti naman ako
"Heto, masaya syempre, pupunta sya ngayon dito sa condo" sagot ko
"Wow, hahaha mukhang kapag day off natin palagi kayong magkasama ha.." sabi sakin ni Kyla habang nakangiti
"Hahah, naku, kulang na nga lang kapag may flight ako eh sumama sakin sa eroplano.." sabi ko sakanya habang natatawa
"Hahaha, hindi makatiis... pinakilala ka na ba nya sa parents nya?" tanong sakin ni Kyla
"hmm, sabi nya sakin next na day off namin sasama nya ako sa Cebu.." sagot ko
"Ay wow! haha, eh ikaw? kailan mo ipapakilala si Dean sa family mo?" tanong sakin ni Kyla
"Iniisip ko nga sana ngayon... tutal may 3 days off naman ako.." sagot ko
"Oh, bakit hindi mo gawin?" tanong nya sakin
"Hmm, tatanong ko sya mamaya" sabi ko
"Ok, haha pero kita ko talaga na masaya ka eh no? blooming ka hahah!" asar nya sakin
"Inlove eh.." sabi ko habang nakangiti
Habang nag kukwentuhan kaming dalawa ni Kyla biglang may nag door bell
"Ay, nandyan na ata si Dean" sabi ko habang nakangiti
"Ayyiie! hahaha iba talaga!" asar uli ni Kyla sakin
Excited akong naglakad papunta sa pintuan.
Pagbukas ko ng door, nagulat ako ng biglang bumungad sakin sila mama at papa kasama si Mafe at Ate Jov.
"Ate! haha namiss ka namin!" sabi ni Mafe, pagkatapos bigla nya akong niyakap, nakatingin ako kila mama at papa
"Ma, Pa, anong ginagawa nyo dito?" tanong ko sakanila
BINABASA MO ANG
I Never Knew Love Till I Found You
FanfictionDean Wong didn't believe in love until he met a girl who could change his beliefs.