Dean's POV
Malapit ng gumabi kaya naman naghanda na ako ng makakain ko.
Napatingin ako sa lugar kung saan nag tayo ng tent yung mga kasabay kong pumunta dito.
Nagluluto na sila.. hayy! kung kasama ko siguro dito yung mga kaibigan ko, siguro ganyan din kami..
Dahil ramdam ko na yung lamig nag suot ako ng bonet at jacket.
Habang hinihintay kong maluto yung pagkaen ko nakaupo lang ako at nakatingin sa kalangitan.
Bumababa na yung mga fogs..
Maya maya, naluto na yung pagkaen ko kaya naman nagsimula na akong kumaen. Habang kumakaen ako nakita kong palapit si Jema dito sa pwesto ko at may dalang maliit na plato.
"Dean, uhm bibigay ko lang sana to sayo, sobra kasi samin yung ulam, baka gusto mo.." sabi sakin ni Jema ng makalapit sya, inabot nya sakin yung maliit na plato.
Chicken?
Kinuha ko iyon at tumingin ako kay Jema.
"Salamat.." sabi ko sabay ngiti. Tumango lang sya.
Nang makaalis sya kinain ko yung binigay nya, nang matapos akong kumaen, dinoble ko yung jacket ko, pagkatapos lumabas ako ng tent ko..
Sana wag umulan para naman makita ko yung maraming star..
Umupo ako sa may damuhan, pagkatapos tumingala ako..
Mukhang hindi naman uulan, may mangilan ngilan na star na eh..
"Nagsosolo ka dito?" napatingin ako sa nag salita..
Jema..
Napangisi ako..
"Solo naman talaga ako diba?" tanong ko sa kanya, umupo sya sa tabi ko
"Ano ka ba, kasama mo na din kami, kasama ka naming pumunta dito eh.. tawag sayo joiners, oh edi kasama kana namin.." sabi nya, natawa naman ako
Oo nga naman Dean..
"Eh nakakahiya naman kasi sa inyo, baka isipin ng mga kaibigan mo feeling close ako" sabi ko sa kanya
"Osige na nga sasamahan nalang kita dito" sabi nya
"Matagal na kayong magkakakilala?" tanong ko
"Uhm.. Oo, actually magkakatrabaho kami nila Jho, Ced, Mich at Kyla, pareparehas kaming FA ng Philippine Airlines.." kwento nya, "Yung dalawa naman, sumama lang samin, pero medyo close din namin yan, si Nico boyfriend ni Jho, si Angel naman yung nag picture sayo kanina boyfriend ni Kyla.." pagpapatuloy nya ng kwento nya
"Eh ikaw? Bakit hindi mo sinama yung boyfriend mo?" tanong ko sa kanya
"Ha? W-Wala naman akong boyfriend.." sagot nya, napangiwi ako
"Sa ganda mong yan wala kang boyfriend?" tanong ko
"Hindi naman ako maganda.." sabi nya, natawa uli ako
"Hahah, ang humble naman po.." asar ko sa kanya kaya natawa sya.
"Eh ikaw? bakit hindi mo sinama girlfriend mo?" tanong nya sakin
"Hahah, wala naman ako nun" sagot ko
"Haha imposible.." sabi nya
"Hahaha oo nga, wala nga akong girlfriend, single ako nuh!" sabi ko
"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong nya, tumango lang ako
"Eh siguro naman nagka girlfriend kana no?" tanong nya uli sakin
BINABASA MO ANG
I Never Knew Love Till I Found You
FanficDean Wong didn't believe in love until he met a girl who could change his beliefs.