Jema's POV
Nakaramdam ako ng hiya kay Dean dahil sa muntikan ng mangyare..
Ramdam ko din yung pamumula ng pisngi ko..
Nang makalabas si Dean sa tent ko pinuntahan din ako ni Kyla.
"Bes, bili tayo ng kape dun sa tindahan.." aya nya sakin
"T-Tara.." sabi ko
"Wait.. bakit namumula ka?" tanong ni Kyla sakin
"Wala, natural beauty yan.. char!" pagbibiro ko
"Haha! ewan ko sayo, halika na.. ang sarap magkape.. ang lamig bes!" sabi ni Kyla
Nagpunta kami sa may maliit na tindahan malapit sa pinagtayuan namin ng tent
"Ate, pabili nga po ng coffee.. dalawa.." sabi ni Kyla sa tindera
"Bakit dalawa?" tanong ko sa kanya
"Syempre, bibilihan ko din si la-loves ko.." sabi nya sakin, "Ikaw bilihan mo din si Dean, tinulungan ka nya mag tayo ng tent eh" sabi ni Kyla, napangiti naman ako
Oo nga pala, kanina sinabi nyang masarap daw mag kape..
"Ate, ako din po, pabili ng dalawa" sabi ko
"Ok po" sagot naman ng tindera
Halos 20 mins. din namin hinintay yung kape.
Habang nag hihintay kami nag kumwentuhan lang kami ni Kyla, sobra kasi syang na a-amaze dito sa lugar na to..
"Ate ito na po" sabi ng tindera, agad naman naming binayaran iyon pagkatapos bumalik na kami sa mga kasama namin
Hinanap ng mata ko si Dean, nang makita ko sya agad akong lumapit sa kanya.
Tapos na din syang magtayo ng tent, nakatayo sya habang kinukuhanan ng litrato yung mga kasama namin.
"Kape?" alok ko sa kanya kaya napatingin sya sakin, ngumiti naman sya
"S-Salamat.." sabi nya, kinuha ny sakin yung kape na para sa kanya, pagkatapos humigop sya..
"U-uhm J-Jema, p-pasensya kana pala kanina ha.. n-nabigla---"
"Ok lang, wag na nating pag usapan yun.." putol ko sa sasabihin nya, tumango naman sya
"Ok.." sabi nya
"Dean, tulungan mo naman kami maglagay ng campfire dito.." sabi ni Bei
"Wait bro.. uubusin ko lang to" sabi ni Dean
"Jema, pwede magtanong?" tanong nya sakin
"Ano yun?" tanong ko
"S-Sino yung kasama mo sa picture? yung post mo sa IG?" tanong nya sakin, agad ko namang na gets kung anong tinutukoy nya
"Ahh si Captain de Jesus.." sagot ko
"A-Ano mo sya?" tanong nya sakin
"Wala, katrabaho, actually hindi nga kami masyadong close non, pero mabait yun" sabi ko sa kanya
"Talaga? N-Nanliligaw ba sya sayo?" tanong nya sakin
"Hindi.." sagot ko, napatingin ako sa kanya at nahuli ko na napangiti sya
"Bakit?" tanong ko sa kanya
"Ha? Wala... tinatanong ko lang, hindi naman siguro masamang magtanong diba?" tanong nya din sakin, napangiwi naman ako
"Sabagay.." sang ayon ko
"Jema may nagugustuhan kana ba ngayon?" tanong nya sakin, muntik na akong masamid dahil sa tanong nya
BINABASA MO ANG
I Never Knew Love Till I Found You
أدب الهواةDean Wong didn't believe in love until he met a girl who could change his beliefs.