Part 22

1.6K 82 11
                                    

Jema's POV

Pinapakiramdaman ko si Dean habang naglalakad kami palabas ng bar, parang kakaiba kasi sya ngayon.

Nang makarating kami sa medyo madili na lugar huminto ako.

"E-Ehem! a-anong pag uusapan natin Jema?" tanong ni Dean habang nakangiti pero alam kong pilit na ngiti iyon.

Tumingin ako sa mga mata nya pero umiwas sya, nakagat ko yung pang ibabang labi ko dahil wala pa man kaming napag uusapan ni Dean nasasaktan na ako.

"Dean, n-nilakasan ko yung loob ko para itanong ito sayo.." panimula ko, "a-ano ba talaga yung nararamdaman mo sakin?" tanong ko sa kanya, napayuko sya

"J-Jema, t-to be h-honest with y-you, I really like you.." sabi nya sakin, wala akong naging reaction sa sinabi nya dahil alam kong may kasunod pa yon, "Pero, n-natatakot ako.. h-hindi pa ako ready..." sabi nya pagkatapos tumingin sya sakin, napahilamos ako sa mukha ko dahil sa sinabi nya, ramdam ko din yung panlalamig ng kamay ko, "I really like you Jema, pero natatakot ako na masaktan uli, a-alam mo naman yon diba?? natatakot din ako kasi baka masaktan kita---"

"Akala mo ba ikaw lang yung natatakot Dean?? Akala mo ba hindi mo ako nasasaktan ngayon?" putol ko sa mga sasabihin nya, "nasasaktan ako Dean... nasasaktan ako sa mga pinagsasabi mo... akala mo ba hindi ako nakakaramdam ng takot dahil sa mga nababasa ko sa internet tungkol satin? Akala mo ba hindi ako nakakaramdam ng takot kasi isang Dean Wong yung minahal ko? Akala mo ba hindi ako nakakaramdam ng takot kasi baka anong masabi ng iba tungkol sakin? Akala mo ba hindi ako nakakaramdam ng takot kasi baka masaktan mo lang ako? Pero Dean k-kaya kong labanan at harapin yung mga kinatatakutan ko, kaya kong tiisin yung sakit.. k-kasi mahal kita..." maluha luhang sabi ko sa kanya, gulat lang syang nakatingin sakin

"P-Pero Jema, hindi pa ako ready.. a-ayaw ko ng masaktan uli.." sabi nya sakin, nangingilid na din yung luha sa mga mata nya

"Edi sana hindi ka nagparamdam ng kung ano ano sakin Dean.. sana hindi mo sinabi sakin na 'I like you'.. sana hindi ka nagpakita ng concern sakin.. sana hindi ka nagbitaw ng mga salita na ikakahulog ko sayo!" inis na sabi ko sa kanya, pinunasan ko yung namumuong luha sa mata ko, "K-Kasi umasa ako kahit alam kong may takot ka.. umasa ako na kaya mo ng harapin yang takot mo! Nakakainis lang kasi pagkatapos mong iparamdam lahat lahat ng yon sakin, ngayon mo sasabihin yan?! paasa ka ba??!" inis na tanong ko sa kanya, hindi ko na din napigilan yung pag iyak ko. Napayuko uli si Dean..

"S-Sorry..." sabi nya sakin, dahil sa inis ko napailing nalang ako habang nakatingin sa kanya, pagkatapos nag walk out na ako..

"Jema..." tawag nya sakin

Maya maya naramdaman kong biglang may yumakap mula sa likuran ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Sorry..." mangiyak ngiyak na sabi ni Dean, napapikit ako dahil nasasaktan ako, pilit kong inalis yung kamay nya sa bewang ko

"Bitawan mo ako!" inis na sabi ko pero mahina lang yung boses ko dahil baka may makarinig saming dalawa

"Ayoko ko!" sabi nya, pero pilit ko paring inalis yung kamay nya, nang matanggal ko iyon maglalakad na sana uli ako palayo pero bigla nya akong hinila paharap sa kanya at hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko pagkatapos mabilis nya akong siniil ng halik sa labi, pero nagpumiglas ako at.....

Pak!!

Nasampal ko sya ng malakas dahil sa ginawa nya.

Nakatingin sya sakin habang hawak hawak yung pisngi nya at halatang nagulat dahil sa ginawa ko... bago ako umalis tiningnan ko sya na may halong pagkadismaya..

Hindi na ako nagpaalam sa mga kaibigan ko, mabilis akong sumakay ng taxi pauwi sa condo ko.

Nang makarating ako sa condo, derederetso ako sa kwarto ko at doon ko inilabas yung sakit...

I Never Knew Love Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon