Jema's POV
"Hi Jema, good afternoon, how are you?" tanong sakin ni Capt. de Jesus habang nakangiti, lumabas kasi sya sa flight deck, nandito kasi kami sa airplane ngayon at naghahanda na para sa flight papuntang Canada.
"Good afternoon, Capt. ok lang po" sagot ko sa kanya
Ok lang kahit hindi...
"Ang galang naman po, hahah nakakatanda ah" pagbibiro nya sakin, natawa naman ako dahil sa biro nya
"Check ko lang po yung mga nakasakay na passenger" paalam ko sa kanya
"Sure.." sabi nya
Habang naglalakad ako sa aisle seat may apat na passengers na nakaagaw ng pansin ko, nakaharang kasi sa mukha nila yung brochure ng plane kaya hindi ko makita yung mukha nila.
Napatingin ako kay Mich na nasa pintuan ng eroplano, nginitian nya lang ako at nag peace sign.
Naglakad ako palapit sa apat para tanungin kung ok lang ba sila or baka kailangan nila ng tulong, nang malapit na ako sa kanila napatigil ako sa paglalakad dahil agad kong nakilala yung isa.. Ibinaba nya kasi yung brochure kaya nakita ko yung kilay at mata nya.
Bumilis nanaman yung tibok ng puso ko.
Si Dean... kasama nya yung mga kaibigan nya.
Saglit kaming nagtitigan ni Dean..
"Ehem! Hi Jema! pagkakataon nga naman! akalain mong ikaw pala FA dito.. heheh!" sabi sakin ni Tots sabay tingin kay Dean, hindi ko sya pinansin dahil naka focus yung mata ko kay Dean.
Maya maya, naglakad na uli ako, nagtuloy tuloy ako sa paglalakad at nilagpasan ko yung upuan nila kaso mabilis na tumayo si Dean at hinawakan yung kamay ko.
"Jema wait.." sabi nya, seryoso akong tumingin sa kanya
"May kailangan po ba kayo sir?" tanong ko sa kanya, nakita kong napaawang yung labi nya
"P-Pwede ba tayong mag usap?" tanong nya sakin,nagpalinga linga ako
"Sorry, nasa trabaho kasi ako ngayon, tapos na din naman tayong mag usap diba? nasabi mo na yung gusto mong sabihin kaya ok na sakin yun, naiintindihan ko naman.." sabi ko sa kanya, biglang lumungkot yung mata nya, pilit kong tinanggal yung kamay ko mula sa pagkakahawak nya, nang matanggal ko iyon naglakad na ako palayo.
Nang makalapit ako kay Mich tumingin ako sa kanya.
"Bakit nandito sila?" tanong ko sa kanya
"H-Ha? M-Malamang pupunta ng Canada..." sagot nya sakin, napa roll eyes naman ako..
Bakit ko pa ba tinanong to??
"I mean, sobrang nakakapagtaka naman na saktong itong eroplanong to yung nasakyan nila..." sabi ko
"Aba, m-malay ko, m-malamang ito nalang yung p-plane na papuntang C-Canada..." utal na sabi ni Mich
"Mich, umamin ka nga sakin, nauutal kana eh" sabi ko sakanya, napabuntong hininga naman sya
"Hay! Sige na nga! si D kasi bes, nangulit, ginamit nya pa si Pangs, e-eh hindi ko din matanggihan si Pangs kaya naman sinabi ko.. gusto ka daw kasing makausap ni D.." sabi nya, "Sorry..." dagdag nya pa sabay yuko, napailing nalang ako
Maya maya, nasa himpapawid na kami, nakita kong lumapit si Mich kila Dean, nang bumalik sya sa pwesto namin may dala dala na syang isang tangkay ng sunflower..
"Jema, pinabibigay ni D..." sabi nya sakin, sabay abot ng sunflower, kunot noo ko namang kinuha iyon at napatingin ako sa pwesto nila Dean, nakatingin sya sakin, iniwas ko yung tingin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Never Knew Love Till I Found You
FanficDean Wong didn't believe in love until he met a girl who could change his beliefs.