Dean's POV
Habang nasa himpapawid kami, nakikita ko si Jema na paminsan minsan dumadaan sa tapat namin dahil may mga pinupuntahan syang passenger..
Hay! siguro mga 14-15 hrs din magiging byahe namin...
Napatingin ako sa mga kaibigan ko, si Bei may ginagawa sa laptop nya, si Tots naman nanonood ng anime sa phone nya, si Pangs naman ganon din may pinapanood sa phone nya...
"Ladies and Gentlemen, the Cabin Crew will be serving dinner. On today's flight there's a choice of pork noodles and chicken with rice. Thank you..." rinig kong announcement..
Hmmm, parang gusto kong mag chicken rice..
Maya maya nakita ko si Jema at yung isang poging lalaki na nagbibigay ng pagkaen sa mga passengers, biglang nagsalubong yung kilay ko..
Sino kaya yan?
Nang makalapit samin sila Jema umayos ako ng upo, kung kanina magkasalubong yung kilay ko, ngayon nakangiti na ako..
"Good evening Sir, would you like pork noodles or chicken with rice for dinner?" tanong ni Jema sakin habang nakangiti
Hindi ko sinagot si Jema, nakangiti parin ako habang nakatingin sa kanya.. Ang balak ko lang naman eh yung asarin siya..
"Sir??" inaantay ni Jema yung sagot ko
"Hahaha natulala sa ganda ni Jema.." sabi ni Tots
"Bro! parang tanga to! ano daw gusto mo? Pork noodles daw ba or Chicken with rice?" tanong din sakin ni Bei..
"Hmmm.. Her... I like her..." sagot ko sabay turo kay Jema pagkatapos kinindatan ko sya, hindi din maalis yung ngiti sa labi ko, nagkatinginan si Jema at yung kasama nyang lalaki, halata din yung pamumula ng pisngi ni Jema.
"Boom! hahaha!" sabi ni Tots sabay tawa, natawa na din si Bei at si Pangs
"Uhm Jas sorry ha.. kilala ko to don't worry.." sabi ni Jema sa lalaki
So Jas pala ang name nya.. hmmmm
Tumingin sakin si Jema..
"A-Ano nga po y-yung gusto nyo sir?" utal na tanong niya sa akin, natawa naman ako..
"hahah, I want chicken with rice.." sagot ko habang nakangiti
Binigyan ako ni Jema ng Chicken w/rice, ganon nalang din yung kinuha nila Bei, Tots, at Pangs.
Habang kumakaen ako hindi ako mapakali dahil nililingon ko si Jema..
"Bro! ang kulit mo naman!" reklamo ni Bei
"Hahaha! mapuputol na nga leeg nyan sa kaka lingon kay Jema.." sabi ni Tots
Hindi ko sila pinansin...
Hindi ko alam kung bakit, pero gustong gusto kong makita si Jema..
Pinindot ko yung button para tumawag ng FA, maya maya lumapit si Jema sakin kaya mas lalo akong napangiti..
"Yes Sir?" tanong nya sakin habang nakangiti
"Uhm may tissue kayo? pwede humingi?" tanong ko sa kanya
"Yes Sir, wait lang po.." sagot nya
"Gago talaga to eh.." rinig kong sabi ni Pangs
"Ano ba kayo.. kailangan ko talaga ng tissue.." sabi ko sa kanila
"Style mo bulok bro hahah! Hindi nga maalis ngiti sa labi mo oh..." sabi ni Pangs, natawa naman ako
Maya maya lumapit uli si Jema sakin at may dala na syang tissue...
BINABASA MO ANG
I Never Knew Love Till I Found You
FanficDean Wong didn't believe in love until he met a girl who could change his beliefs.