Jema's POV
Hi I'm Jessica Margarett Galanza, pero ang tawag nila sakin ay Jema, shortcut daw ng full name ko.
Isa akong FA ng Philippine Airlines.
Dahil naka day off kami ngayon, napagpasyahan naming mag hiking at camping sa Mt. Pulag, gusto kasi naming makita yung sea of clouds.
Alam kong nakaka pagod umakyat, pero sabi nila sulit daw kapag nasa taas kana ng bundok.
First time kong mag hiking ngayon kaya na e-excite talaga ako, kadalasan kasi na ginagawa namin kapag day off ay mag travel lang, hindi tulad nitong aakyat ng bundok.
Actually kaya din ako nag FA dahil gusto kong makapunta sa iba't ibang lugar.
Si Ced ang nag aya sa aming mag hiking, sumang-ayon naman kaming mag kakaibigan, dahil gusto din naming maranasan.
Ako, Ced, Jho, Mich, Kyla, Nico, at Angel ang mag kakasama.
Si Angel, boyfriend ni Kyla, si Nico naman Boyfriend ni Jho.
Sana all kasama jowa diba?? kaso wala naman akong jowa...
Nandito kami ngayon sa Mcdo kumakaen...
"Huy! bilisan nyo na kayang kumaen 5 mins. nalang 12 AM na oh, nakakahiya sa driver.." sabi ni Ced
"Ako finish na.." sabi ni Mich
"Ohh tara na guys" aya ni Nico kaso naramdaman kong na-c-CR ako
"Guys una na kayo sa van, CR lang ako" paalam ko sa kanila
"sige Jema, hintayin ka namin doon" sabi ni Kyla
Naglakad ako papunta sa CR, pagkatapos ko mag CR, inayos ko muna yung sarili ko bago lumabas.
Nang makarating ako sa van, naka pwesto na silang lahat, apat na row kasi yung upuan dito sa van, kung isasama yung driver's seat limang row..
Nasa hulihan si Jho, at Nico..
Nasa pangatlong row naman si Kyla at Angel..
Nasa pangalawang row naman si Mich at si Ced, at wala na ding space dahil nasa gitna nila yung gamit nila.
Ang bakante nalang ay yung unang row, tabi ng pintuan, likod ng driver's seat.
"Jema, dyan kana sa unahan namin.." sabi ni Ced
Napatingin ako sa magiging katabi ko, tulog sya, hindi ko makita yung mukha nya dahil may facemask sya at naka cap, nahaharangan ng cap yung mukha nya.
Babae ba to o lalaki?
"Sino to?" tanong ko
"Joiners daw ehh" sagot naman ni Mich, napatango lang ako.
Sumakay na ako at naupo sa upuan.
"Kuya kumpleto na po tayo" sabi ni Ced sa driver
"Ok po Mam, aalis na po tayo" sabi ng driver
"OMG! excited na talaga ako!" masayang sabi ni Ced
"Gaga! iiwan kana namin don Ced!" sabi ni Mich
"willing ako! basta don ko makikita yung destiny ko!" sabi ni Ced
"Hahahaha mamaya igorot yung makita mo don." asar ni Jho sa kanya
"Hoy! sabi nila mga pogi daw igorot doon no, so willing ako, basta pogi!" nakangiting sabi ni Ced
"bakit nga pala nag aya kang mag hiking Ced?" tanong ni Nico, tumingin sa kanya si Ced
"Alam nyo kasi nag pahula ako, sabi ng manghuhula, sa hiking ko daw makikita yung soulmate ko, yung makakasama ko habang buhay!" kinikilig na sabi ni Ced habang nakangiti
![](https://img.wattpad.com/cover/309245446-288-k890017.jpg)
BINABASA MO ANG
I Never Knew Love Till I Found You
FanfictionDean Wong didn't believe in love until he met a girl who could change his beliefs.