Part 8

1.7K 78 5
                                    

Jema's POV

Nakatingin lang ako kay Dean habang nilalagay nya yung pinamili nya sa counter ng cashier..

Halos humaba na kasi yung nguso nya dahil nakasimangot sya..

"Magkagalit ba kayo ni Dean?" pabulong na tanong ni Jho sakin

"Ewan ko dyan hindi ko naman inaano.." pabulong din na sagot ko kay Jho

"ahh baka badtrip lang talaga.." sabi ni Jho

Kinuha ko yung phone ko at nag message ako sa kanya sa IG nya..

Maya maya lumingon sya sakin pero nakakunot noo parin sya.

Nabasa na nya siguro yung message ko..

Nginitian ko sya at nag peace sign sa kanya, kaso iniwasan nya ako ng tingin..

Hala.. galit parin? nireplyan na nga..

"Sir, 5,023 po lahat.." sabi ng cashier sa kanya habang nakangiti, halatang kinikilig yung cashier sa kanya..

Inabot ni Dean yung card nya..

"Sir, pwede po bang magpapicture? Idol ko po kasi kayo.." sabi ng cashier sa kanya

Ganito ba talaga sya kasikat??

"Sure.." sagot ni Dean habang nakangiti..

Tingnan mo tong lalaking to.. sa akin lang talaga nakasimangot... hay!

Halatang kinikilig yung babae...

"Yay!" kinuha ng babae yung phone nya at nag picture silang dalawa, nakataas yung isang kilay ko habang nakatingin sa kanila..

Nagpalinga linga ako..

Nasaan ba yung manager nito? Inuuna yung landi..

"Ay! hanep! parang gumanda mood ni Dean Wong haha! nareplyan na ata to.." rinig kong asar ni Tots may Dean

Hindi ko na narinig yung sinabi ni Dean kay Tots..

Nakita kong naunang maglakad si Dean, sumunod naman yung mga kaibigan nya..

Yung totoo, ang popogi din ng mga kaibigan nya.. pero mas ma appeal si Dean, kaya siguro maraming humahanga sa kanya..

Habang nagbabayad ako ng pinamili napatingin ako sa gilid ng pintuan, nakita ko yung magkakaibigan na nakatayo lang doon..

"Hindi pa ba sila aalis?" tanong ni Jho sakin, sila Dean yung tinutuloy nya

"Ewan ko, tanong mo kaya.." sabi ko sa kanya

"Ehh nahihiya ako.." sabi ni Jho

Nang mabayaran na namin yung mga pinamili namin kinuha ko na iyon at naglakad papunta sa exit, nakasunod lang sakin si Jho.. Nang malapit na kami sa entrance biglang lumapit samin si Tots

"Jema, uhm gusto nyo ba kaen muna tayo nila Dean? nagugutom na kasi kami.. baka gusto nyong sumama.. hehe.." sabi ni Tots sakin

"O-Ok lang naman kung ok lang kay Dean.." sagot ko, tumingin si Tots kay Dean

"Oh! bro! Ok sayo diba???" tanong ni Tots kay Dean, tumango lang si Dean pero hindi sya nakatingin samin

"Parang labag naman sa loob.." sabi ko, tumingin si Tots kay Dean

"Dean... ikaw na kasi mag aya.. idea mo to diba??" sabi ni Tots, napangiti naman ako

So idea nya pala to...

Napakamot sa noo si Dean..

"Uhm, kung ok lang sa kanila.. n-nagugutom na din kasi ako.. kahit dyan lang sa may Paotsin.." sabi ni Dean

I Never Knew Love Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon