Dean's POV
Pagkatapos ng napakahabang oras na byahe nakarating na kami sa San Francisco USA..
Habang palabas kami ng plane nakita ko si Jema na nasa bungad ng pintuan.
"Maraming salamat, flight with us again! Mabuhay!" sabi nila sa mga lumalabas, nang tumapat ako kay Jema tumingin ako sa kanya, nakatingin din naman sya sakin kaya nagkatitigan kaming dalawa..
Pinagmasdan ko lang yung bawat parte ng mukha nya..
"Huy! ano? may balak ka pa bang lumabas?" bulong sakin ni Pangs, nagpatuloy na ako sa paglalakad ko..
Hay! kailan ko kaya uli sya makikita??
Habang hinihintay namin yung gamit namin tumabi sakin si Tots..
"D, umamin ka nga, may gusto kana kay Jema no??" tanong sakin ni Tots
"H-Hindi ko alam, basta ang alam ko lang masaya ako kapag nakikita ko sya.." sagot ko
"Alam mo siguro meron na nga.. kaso hindi mo lang maamin kasi natatakot ka.. Bakit ayaw mong itry uli? baka ngayon maipanalo mo na yan?" tanong nya sakin
"Ano ka ba Tots, ang tanong gusto din ba sya ni Jema?" tanong ni Bei samin
"Eh malay mo naman diba?? Saka iba yung tinginan nila kanina, at iba yung ngiti ni Jema kapag nakikita nya si D.." sabi ni Tots
"Eh paano nga kung ganon lang sya?? Paano kung ganon sya sa lahat?? Saka sa ganda ni Jema malamang maraming nagkakagusto dun bro!.." sabi ni Bei habang naka cross arm
"Alam mo Bei, bitter ka.. parehas na kayong dalawa ni Deans.. magsama kayo.." sabi ni Pangs..
"Mga bro, tama naman kasi yung sinabi ni Bei.. saka kahit ako hindi ko din alam kung ano bang nararamdaman ko.. basta ang alam ko lang masaya ako, pero hindi naman siguro ibig sabihin non eh inlove na ako sa kanya.. sinasabi ko sa inyo bro ayaw ko ng mainlove uli.. yung kanina biruan lang namin ni Jema yun.." paliwanag ko sa kanila
"Tsk! Tsk! ok, sige.. ikaw bahala.. deny pa hahah.. baka mag sisi ka.." sabi ni Tots sakin, napangisi naman ako
"Aaminin ko kinikilig ako, pero hanggang doon nalang iyon.." sabi ko
"Edi may gusto ka nga kasi kinikilig ka.." sabi ni Tots
"Porket kinikilig may gusto na? pano kapag nanonood ka ng movie tas kinikilig ka? may gusto ka na din ba sa TV? ganon??" pamimilosopo ko kay Tots
"Hay! bahala ka hahah" sabi nya, napabuntong hininga nalang ako
Pagkatapos naming makuha yung gamit namin lumabas na kami ng airport, nang makita namin yung magsusundo sa amin agad naming nilapitan iyon..
Sumakay na ako ng sasakyan dahil nakakaramdam na ako ng pagod..
Halos isang oras din yung byahe namin bago kami makarating sa bahay nila Bei..
"Welcome to San Francisco mga ijo!" bati samin ng tita ni Bei
"Hello tita.. advance congrats sa wedding nyo.." sabi ko
"Naku! Dean thank you.. haha buti nga nakarating kayo.. kamusta naman yung naging byahe nyo?" tanong nya samin
"Ok naman po.." sagot ni Tots
"Hahahaha kung sa Ok po tita wala ng tatalo kay Dean.. buong byaheng masaya yan eh hahaha" asar ni Pangs, tiningnan ko naman sya ng masama..
"Really? hahaha buti nalang, halina kayo ng makapag pahinga.." sabi ni Tita, inakbayan nya si Bei at inakay papasok ng bahay, sumunod naman kaming tatlo..
BINABASA MO ANG
I Never Knew Love Till I Found You
FanfictionDean Wong didn't believe in love until he met a girl who could change his beliefs.