Part 24

1.7K 89 89
                                    

Jema's POV

"Ok lang siguro na ayain kitang mag dinner pagdating natin sa Canada diba? K-Kung ok lang sayo.." tanong sakin ni Capt. de Jesus

Hindi naman siguro masama na mag dinner kaming dalawa.

"O-Ok lang naman" sagot ko sa kanya, napalingon ako sa likuran ko ng makarinig ako ng malakas na buntong hininga

Nakita ko si Dean na nakatayo sa likuran ko at may dalang sunflowers. 

Inabot nya sakin yung mga flowers, napakunot noo ako dahil kita ko kung gaano kalungkot yung mga mata nya, tinanggap ko yung mga flowers, nang makuha ko iyon tumalikod sya at bumalik sa inuupuan nya. 

"E-Ehem! J-Jema, K-Kilala mo ba sya? B-Bakit ka nya binigyan ng flowers?" tanong sakin ni Capt. de Jesus, napatingin ako sa sunflowers, merong mga notes na nakakabit doon.. "Jema?" tawag sakin ni Capt. de Jesus

"H-Ha? Ahh oo, kilala ko sya, kasama namin nila Mich yun kapag nagha-hiking kami" sagot ko, napatango naman sya habang nakatingin sa flowers

"N-Nililigawan ka nya?" tanong nya sakin

"H-Hindi.." sagot ko, 

Totoo naman kasing hindi nanliligaw sakin si Dean, ayaw nya nga daw kasing masaktan...

"A-Ahhh, akala ko nanliligaw sayo eh, hehehe, sige balik na ako sa pwesto ko ha..." paalam nya sakin, tumango lang ako at ngumiti

Nang makaupo ako binasa ko isa isa yung mga nasa notes na nakasulat sa bawat tangkay ng sunflowers, meron syang numbering kaya alam ko yung pagkakasunod sunod. Kinuha ko yung dalawang binigay nya sakin kanina para isama doon. 

I'm sorry 🥺

Please forgive me, I realized all my mistakes...😔

It makes me sad to see you hurt... 💔

Please stay with me.. 🙏

Don't close the door of your heart... 🔐

I don't want to lose you because I LOVE YOU! ❤️

I know that my feelings for you are real...

Because I spend more time thinking of you than myself... 

I'm ready to face all my fears as long as you're here beside me... 👫

I bought you flowers to make you smile because I miss your smile ☺️

Now, I want to ask you...

....Can I court you??

Lihim akong napangiti ng mabasa ko lahat ng iyon.

Aaminin kong kinilig ako dahil sa ginawa nya.

"Ayyiiee! Nakangiti na sya.. haha!" asar sakin ni Mich, nakita kong nakikibasa din sya sa mga notes kaya nagulat ako, "Bes, pahirapan mo naman, baka mamaya bumigay ka kaagad.." dagdag nya pa

"Ano ba yan, nakakagulat ka naman!" inis na sabi ko

"Hahaha! yieeh! kunware naiinis" asar nya uli sakin, natawa nalang ako

"haha! Tara na, mag ready na tayo ng dinner ng mga pasahero" aya ko sa kanya

"Yiee! kilig ka lang eh!" asar nya uli sakin

"Ewan ko sayo.." sabi ko habang nagpipigil ng tawa

Nang maiready na namin yung dinner nagsimula na kaming mamigay sa mga pasahero, nung sila Dean na yung bibigyan namin nakita kong tulog si Dean, may suot suot din syang headset..

I Never Knew Love Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon