Jema's POV
Nang makarating ako sa sinabing restaurant ni Capt. de Jesus agad ko syang nakita.
Nang makita nya ako bigla syang napatayo at lumapit sakin para sunduin ako.
Nakangiti lang sya hanggang sa makalapit sa akin.
"Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya
"Uhm medyo hehe.. thank you ha, pinagbigyan mo ako" sabi nya, natawa ako
"Ok lang, saka wag kang mag alala, hindi na mauulit to.." pag bibiro ko sa kanya, bigla naman syang napatingin sakin habang naka nguso
"Grabe naman.. ulitin uli natin" sabi nya
"Hahah joke lang.." sabi ko
Ipinaghila nya ako ng upuan, nang makaupo ako umupo na din sya sa harap ko at umorder.
"Jema anong gusto mo?" tanong nya sakin
"Uhm kahit ano na dyan, basta masarap" sagot ko, napangiti naman sya
"Sige, alam ko na.." sabi nya
Habang umoorder sya naalala ko nanaman si Dean. Yung totoo habang papunta ako dito sya yung nasa isip ko.
Sana nag bibiro lang sya na mag hihintay sya don..
Bigla kong naalala yung mga sinabi nya kanina.
"Seryoso ako Jema... hindi guilty, at mas lalong hindi awa yung naramdaman ko pagkatapos natin mag usap sa labas ng bar dati.."
"Takot... yan yung naramdaman ko... Takot na baka kapag pinaglagpas ko pa tong pagkakataon na to baka tuluyan kang mawala sakin... Takot na baka pagsisihan ko to dahil hindi ako nag take ng risk sayo... Takot na baka masaktan ako kapag nakita kong hawak ka na ng iba..."
"Narealize ko na ayon pala yung dapat na katakutan ko"
"Sige na, hihintayin kita dito kahit gaano pa katagal... gusto pa kitang makausap."
Napakagat ako sa labi ko habang inaalala iyon..
"Jema.. nakikinig ka ba? ok ka lang?" bigla akong natauhan at tumingin kay Capt. de Jesus
"H-Ha? ano yun? sorry, inaantok pa kasi ako." pagsisinungaling ko, natawa naman sya
"hahaha.. kanina pa ako nag kukwento dito tapos hindi ka pala nakikinig.." sabi nya sakin, nakaramdam naman ako ng hiya sa kanya
"S-Sorry.." sabi ko
"Ok lang, alam ko na pagod ka pa.." sabi nya
Maya maya dumating na yung order nya kaya nagsimula na kaming kumaen.
Habang kumakaen kami nagkukwentuhan lang kami tungkol sa trabaho namin, hanggang sa mapunta kami sa seryosong topic..
"Jema, uhm kaya kita inaya ngayon kumaen k-kasi may gusto akong sabihin sayo" sabi nya sakin, bigla naman akong kinabahan
"A-Ano yun?" tanong ko sa kanya
Huminga sya ng malalim at tumingin sakin ng deretso..
"J-Jema, kasi..." alam kong kinakabahan sya
"Kasi?" tanong ko
"K-Kasi una palang kitang nakita nahulog na ko sayo.. p-pwede ba akong manligaw??" tanong nya sakin, napainom ako ng tubig dahil sa tanong nya...
"C-Capt---"
"Earl... Earl nalang tawag mo sakin" sabi nya
"A-Ano kasi.." biglang sumeryoso yung mukha nya
![](https://img.wattpad.com/cover/309245446-288-k890017.jpg)
BINABASA MO ANG
I Never Knew Love Till I Found You
FanfictionDean Wong didn't believe in love until he met a girl who could change his beliefs.