Part 25

1.8K 93 17
                                    

Jema's POV

Nandito na kami ngayon sa hotel na tutuluyan namin ni Mich dito sa Canada.

Nakahiga ako sa kama habang nakapikit, may jet lag pa kasi ako.

"Jema, lakad lakad tayo mamaya sa labas" aya sakin ni Mich

"Ok, pero mamaya na ha.. magpapahinga lang ako" sabi ko sa kanya habang nakahiga

"Sige, magpapahinga lang din ako.." sabi sakin ni Mich

Napagod ako dahil halos 15 hours din yung naging byahe namin.

"Hay! saang hotel kaya sila Pangs?" tanong nya sakin, bigla kong naalala si Dean.

"Hindi ko alam.. bakit hindi mo itanong? Saka bakit nga ba sila pumunta dito?" tanong ko sa kanya habang nakapikit

"Ewan ko, wait nga message ko sya" sabi ni Mich, hindi ko na sya pinansin dahil nakatulog na din ako..

Halos 4 hours din akong nakatulog, pagkagising ko agad akong naligo dahil nag aaya na si Mich lumabas.

"Jema, bilisan mo para marami tayong mapuntahan dito.. sayang yung rest time natin" sabi ni Mich habang nag mi-make up

"Oo na.." sabi ko, "Saan ba kasi tayo pupunta??" tanong ko sa kanya

"Doon sa pinag shootingan ng Goblin, Parc Samuel Hollande Quebec, malapit lang dito yun" sabi nya, nakaramdam naman ako ng excitement

Nang matapos kaming mag ayos ni Mich lumabas na kami ng hotel.

"Hay! sana next time bakasyon naman tayo dito.. yung magkakasama tayo nila Jho, Ced at Kyla.." sabi ni Mich habang naglalakad

"Oo nga.." sagot ko

Nagkwentuhan lang kami ni Mich hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin..

"Grabe, ang ganda.. halos lahat ng dahon ng puno nagiging fiery red na..." namamanghang sabi ni Mich, napangiti ako dahil kahit ako manghang mangha din dahil sa ganda. 

Fall season na nga pala dito sa Canada...

Maya maya napakunot yung noo ko dahil nakita ko si Dean na nakasandal sa puno habang nakatingin sakin.

Suot suot nya yung jacket ko na pinangkumot ko sa kanya kagabi.

Naglakad sya palapit samin at halatang nahihiya dahil hindi sya makatingin ng diretso sakin.

"Hi.. n-nandito din pala kayo.." bati nya nang makalapit sya samin, tumingin ako kay Mich, bigla syang umiwas ng tingin sakin at tumingin kay Dean..

"A-Ahh Dean, nasaan si Pangs?" tanong nya kay Dean.

Itinuro ni Dean yung nasa likuran namin, kaya napalingon kami doon, nakita ko yung tatlo na nakaupo sa upuan at kumakaway samin.

Parang alam ko na to.. parang alam na ni Mich na magkikita-kita kami dito.. Nag usap usap ba sila?

"Ay! ayun si Pangs, lapitan ko lang sila haa.." paalam ni Mich samin, pagkatapos tumakbo na sya papunta kila Pangs.

Tumingin uli ako kay Dean.

"Uhm.. Jema, h-hiniramin ko muna yung jacket mo ha.. nakalimutan ko kasi yung sakin.." sabi nya, tumango lang ako

Habang nakatingin ako kay Dean bigla akong may naalala. Yung araw na nagpahula kami ni Ced..

Flashback..

"Bes, dali na.. pahula kana din.. malay mo naman totoo.. try lang naman.." pagpipilit sakin ni Ced

I Never Knew Love Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon