Jema's POV
Nakunsenya ako dahil sa inasal ko kay Dean..
"Huy! Jema grabe ka naman.. inaaway mo si D.." sabi sakin ni Ced, inirapan ko sya
"Bakit ba kasi hindi mo sinabing kasama sya??" tanong ko kay Ced
Hindi ko kasi talaga alam na kasama si Dean..
"Eh diba sabi ko yung dati parin, maliban kay Nico kasi nga nag break sila ni Jho?" tanong sakin ni Ced
"Tsk! nakakainis ka naman eh!" sabi ko sa kanya
"Bakit? iniiwasan mo ba sya?" tanong sakin ni Ced
"H-Hindi naman.." sabi ko
"Oh! hindi naman pala eh" sabi ni Ced
Nakita kong tapos ng umorder sila Dean, pero sa iba sila umupo para kumaen.
"Tingnan mo, parang nailang tuloy si D.." sabi sakin ni Ced, hindi nalang ako umimik..
Maya maya nagsalita si Kyla.
"Alam nyo ba, nakita ko sa twitter trending nung nakaraang araw yan si D.." kwento ni Kyla
"B-Bakit naman?" tanong ko sa kanya
"Base lang to sa mga nabasa ko ha.. nag post daw sya ng picture sa IG nya with girl daw, nakita ko nga yung picture na yun ang ganda!" kwento nya, bigla akong na curious..
"Tapos?" tanong ni Ced
"Tapos ayun, yung iba natuwa, tapos yung iba nainis kaya binabash yung girl.. tapos nung nakaraang araw nag live sa IG yung kaibigan ni D.. yun oh yung gwapo din na matangkad na maputi din.. yung nagpakilala satin na Pangs.." sabi ni Kyla habang nakanguso sa katabi ni Dean
"Oh anong sabi sa live?" tanong ni Mich
"Nagpaliwanag sya tungkol sa post ni D na kasama yung babae, laro lang pala nila yun.. kung baga na dare yung girl na mag picture sila ni D na ganon yung pose, tapos na dare si D na i post sa IG nya yung picture.. si Pangs din pala yung nag bigay kay D kung ano yung ilalagay na caption.." kwento ni Kyla
"S-So, hindi nya girlfriend yun?" tanong ko kay Kyla
"Ay, kakasabi nga lang diba? hindi.. na dare nga lang sila.." nalolokang sabi ni Kyla
Napatingin ako kay Dean na kumakaen..
Nakaramdam ako ng guilt...
Bakit kasi hindi ako nagtanong??
Eh malay ko ba na dare lang yun? Hay!
"Guys 10 mins daw aalis na tayo.." sabi ni Angel, nakita kong nagmadaling kumaen sila D
"Jema.." tawag sakin ni Jho
"O-Oh?" tanong ko sa kanya
Maga parin yung mata nya... sobra syang nasaktan dahil sa ginawa ni Nico..
"P-Pwedeng tabi tayo sa van?" tanong ni Jho sakin, nginitian ko sya, lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya
"Oo naman.. nandito lang kaming mga kaibigan mo.." sabi ko sa kanya, narinig kong napasinghap sya..
"T-Thank you.." sabi nya
After 10 mins lahat kami nakasakay na sa van.
Nasa unahan yung tour guide namin, yung nasa pangalawang row ay si Tots at Pangs, nasa pangatlo naman si Dean at si Bei, pang apat na row Ako, Jho, at si Ced, yung nasa hulihan ay si Angel, Kyla at Mich..
"Kuya, ok na po kami, pwede na pong umalis" sabi ni Ced
Habang nasa byahe kami iyak parin ng iyak si Jho kaya napapatingin samin si Bei
BINABASA MO ANG
I Never Knew Love Till I Found You
FanfictionDean Wong didn't believe in love until he met a girl who could change his beliefs.