Day 4

241 6 0
                                    

Kenji's POV

Apat na araw na kaming nagsasama sa iisang bubong.

Nagising ako 9 am na. Sama ng pakiramdam ko. Paglabas ko pa lang ng pinto, walang pagbabago. Palabas na ulit ng bahay si Anne. 

"Late na ako. Magluto ka na lang ng pagkain mo ha! Ja-ne!" - Anne

One hour na siyang late, kung ako sa kanya hindi  na ako papasok. 

Seriously, ano bang asawa ang hindi man lang marunong magmanage ng oras niya? Ni hindi ako magawang ipagluto. Hindi man lang bumati ng 'good morning'. Kung hindi pa siya nagluto ibig sabihin, hindi rin siya kumain? tsk talaga ang babaeng un!

Tutal ung one month na deal namin ay nag-umpisa kagabi, ngaun ung first day.

May naiisip ako.. 

Nagbihis ako ng pang-itaas. Bibilhan ko lang naman siya ng pagkain sa pinakamalapit na fast food chain. Sweet right? Tignan lang natin kung aabutin ng isang buwan. Pakikiligin ko siya everyday. ^__^ 

"Good morning Sir!" bati ng guard. Ngumiti lang ako bilang tugon. 

Nag-order ako ng 2 sets of breakfast with coffee. 

"Dine in or take out?" - crew

"Delivery ung isa, take out ung isa."

 "Sir, may problema po sa delivery namin wala pa ung driver."

"Malas naman." bulong ko. 

"Sige 2 take outs pero separate. "

"Ok sir."

Hinintay ko ung order saka bumalik sa kotse.

I grab a post it/note.

To: Anne,

                Next time, we'll be eating our breakfast together. <3 

                                                                                                      Kenji

 

Dinikit ko un sa cup of coffee. Saka nagdrive papunta sa work place niya. I spotted a very familiar face. Kumunot ang noo ko. Robert? Anong ginagawa ng mokong na un dito?

Hinintay ko siyang makaalis bago ako bumaba sa kotse. 

"Manong guard, pakibigay naman ito kay Ms. Annaliza Salcedo." 

"Ahh kay mam Anne. Sige po sir." 

"Salamat." 

Nagbalik ako sa bahay para maligo then nagring ang phone ko. 

Anne? Siguro magpapasalamat siya. ^___^ 

"Hello?" Nakangiting sagot ko. 

"Bakit ka nagdala ng breakfast? Kumain na ako. Sa susunod na gagawa ka ng ganito, tumawag ka muna para hindi nasasayang ang pagkain. Ano ang gagawin ko dito?" - Anne. 

"Ipakain mo sa ASO!!" 

"Wala kaming aso sa office." 

"Itapon mo na! Pati yan pinoproblema mo?!" halos sumigaw ako sa phone saka ko pinatay ung tawag. 

Hmmp! Ibang klase! Hindi man lang nagpasalamat. 

'Sa susunod na gagawa ka ng ganito, tumawag ka muna.' 

Baliw!! May surprise bang pinapaalam? GRrrrr! kainis! 

My Wishlist : 'Mr. Vocalist'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon