Day 4 - Part 3

224 4 0
                                    

Kenji's POV

Hinatid ko si Anne pauwi kasi pupunta pa ako sa gig. Sa jeep lang kami sumakay. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Tila nababagabag pa rin ang damdamin ko.  Marahil dahil sa babala ni Prinsesa Annaliza. Mapapahamak si Anne, ililigtas ko siya at iyon ang magiging dsahilan ng kamatayan ko. Huwag na lang kaya ako lumabas ng bahay? At least mababantayan ko siya. Isama ko na lang kaya siya? Mali. Kelangan pala niya ng pahinga. Anong gagawin ko? 

"Kaya mo bang umakyat?" tanong ko sa kanya nang makapasok kami sa bahay. 

"Anong akala mo sa akin mahina?" banat niya. 

"Nagtatanong lang naman." sagot ko sa kanya. 

"Sige matulog ka na, Aalis pa ako, kelangan ako sa bar eh. " Paalam ko sa kanya. 

"Ok. i-lock mo na lang ung pinto paglabas mo. " aniya saka umupo sa sala. 

Nagbihis na ako. Paglabas ko ng kwarto, nandun pa rin siya nakaupo. 

"Bakit?" tanong ko sa kanya. 

"Pwede bang mamaya ka na lang umalis? Hindi ka pa kumakain gaya ko di ba?" - Anne

"Sige, kain muna tayo." 

"wala naman tayong pagkain dito, diba nagpapabili k a kaninang umaga ng may sabaw. Pasensya ka na Kenji ah, hindi ko man lang natupad ung dinner natin together." - Anne. 

"OKay lang un wifey. we have eggs and sandwich sa ref. Gusto mo ng noodles?" 

"Pwede na." 

"Sige, bibili lang ako."

"Lalabas ka? Wag na lang itlog at tinapay na lang Kenji." 

"Bakit parang ayaw mo akong palabasin ng bahay?"

"Ewan. May nararamdaman akong kakaiba paglabas mo ng pinto."- Anne

"Ano naman? Multo?" 

"Wag ka ngang ganyan Kenji. Seryoso ako." aniya. 

"Ano bang kutob yan?"

"Pakiramdam ko mawawala ka sa akin paglabas mo ng pintong yan.." naluluha na siya. 

Napatingin ako sa kanya. Nararamdaman kaya niyang mamatay ako ganun ba un?

"Wifey?" tinignan ko siya sa mata. Hindi ko alam kung kelan ako nakalapit sa kanya ng isang pulgada na lang ang pagitan namin.

"Hmmm?"  nag-angat siya ng ulo, lumuluha na siya. Pinunasan ko iyon. 

"Save your tears, okay? Hindi na ako lalabas ngayong gabi." 

"Thank you." aniya saka ako niyakap. We stayed for a few minutes hugging. 

Ngayong nayayakap ko siya ng ganito, saka ko lang narealize na maliit pala talaga siya. At ang bango niya. I want to hug her longer pero kumalas siya. 

"Bakit ang init ng katawan mo?" tanong ko sa kanya. 

"Fertile ako eh." walang kiyeme niyang sagot. 

"Ahhh" 

Dumiretso ako sa kusina para magluto. Siya naman umakyat sa kwarto niya. 

'Ano ka ba naman Anne? Why do say things so carelessly regarding fertility? Kung may mangyari sa amin? Baby na agad ganun? Sinadya nya kayang sabihin un?' 

Nagulat ako nang biglang mahulog ang frying pan. 

"Kenji, okay ka lang?' tanong niya. Napatingin ako. Kelan pa siya nakababa? At bakit naka nighties siya? Is my wife trying to seduce me? 

My Wishlist : 'Mr. Vocalist'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon