ANNE'S POV

247 6 1
                                    

ANNE’S POV

I heard everything. Our marriage is fake. Magsasaya ba ako? I should be happy right? Dahil hindi na makukulong sa sa kasalang ito. Hindi na ako titira sa isang bahay kasama si Kenji. Hind ko na kailangang makihati sa babae ni Kenji. Magiging Malaya na ako. Nasayang lang pala ang paghihintay ko sa kanya. Nasayang din ang mga luha sa tuwing masasaktan ako dahil sa ginagawa niya, Nakakainis lang kasi mas masakit sa dibdib ang malamang hindi totoo ang lahat at alam niya ito. Marahil ito rin ung rason kung bakit kung sinu-sino na lang ang mga nagging girlfriend niya. No wonder hate na hate nya ako noon. Kaya pala hindi siya nag-eeffort noon. Kahit noong after kinasal kami, kahit kailan hindi niya ako binati ng happy anniversary at maging sa birthday ko. Laging ang mga younger sisters niya ang nagdadala ng gift sa bahay. Ayaw na ayaw niya sa akin.

Pero bakit ganoon ang pakiramdam ko? Sobrang sakit. Naninikip ang dibdib ko kasabay ng pagbuhos ng luha ko. Tumatakbo ako ng hindi ko alam ang aking pupuntahan. Hanggang sa marating ko ang park. Ang park kung saan kami unang nagdate bilang mag-asawa. At ang park kung saan ko nakilala ang mga nagging ex-girlfriends niya. Patuloy pa rin ang pagbagsak ng luha ko habang inaalala ang mga sandaling iyon.

Bumuhos ang ulan.

Nahilamos ko ang aking kamay sa mukhang basa ng luha.  Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Sinabayan pa kulog at kidlat ang paglakas ng aking paghagulgol.

Biglang may yumakap mula saking likuran. Hindi ko kelangan tignan ang mukha nito para makilala siya. Dahil sa amoy pa lang niya kilala ko na siya. Hanggang sa mga kamay at braso.

“Believe me Anne, hindi ko rin alam.”

“Kenji…” I let out a sigh. “I think kelangan na nating bumitaw sa kung ano man ang meron tayo. ”

“No, I cant.”- Kenji. Ramdam ko ang lungkot sa tinig niya.

“I was hurt. So hurt that I just want to die.”

“Please, don’t say things like that. Ako’y nahihirapan din sa sitwasyon natin ngayon. Kung mas maaga sana nating nalaman, hindi sana ganito. Mas madali sanang bumitaw na lang. Pero mahal kita Anne. Mahal na mahal kita. At ayaw ko rin na magkaroon ng ibang asawa maliban sayo. And believe me, walang akong babae. Hindi ko kilala ang babaeng basta na lang humalik sa akin sa clinic noong nakaraan. Pakiusap huwag kang bibitaw Anne. ”

I break away from the hug and saw his eyes full of tears. He must have hurt just like me. Kahit pa umuulan, halatang namumugto ang kaniyang mga mata sa kaluluha.

“Wifey, huwag mo akong iiwan. Please. Maniwala ka sa akin. Hindi ko alam ang lahat. Kagabi ko lang din nalaman na fake ang kasal natin. Sinabi sa akin ni papa.”

“Papa mo? Bakit naman niya gagawin iyon?”

“Baka hindi magwork out ang pagsasama natin. Ganon ang rason niya kung bakit niya nagawa ang bagay na yon. Mahal kita. Uulit-ulitin kong sabihin yon. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. I can never let you go.”

Niyakap niya akong muli.

“I miss you, I miss you so much. Hindi mo lang alam kung paano ako nabuhay nung mga araw na hindi ka umuuwi. I was half-dead. Hindi rin ako makakain. Hindi makatulog. Hindi makaperform ng maayos. Dahil namimiss ko ang lahat sayo. Ang mga irap ng mata mo kung ayaw mo akong kausapin, ang pagtawa mo, ang ngiti mo, ang labi mo, ang takot mo tuwing kumukulog at kumikidlat. Pati mga patama mo sa akin, ang yakap mo, ang halik mo, pati pag-iyak mo. Pati pagkain mo ng ice cubes. Every time na umuuwi ako sa bahay, nakikita kita sa lahat ng dako niyon. Halos mabaliw akong kausap ang sarili ko. I love you, Anne. That’s the truth.”  - Kenji.

“How will I know the truth when everything is fake from the start?”  

 “I will show you but first I want you to marry me. For real.” – kenji

 Saka kinuha nito ang kwintas sa leeg niya na ang pendant ay singsing. 

Parang naging slow motion ang lahat. 

"Sabi ni tatay Ben, ibigay ko daw ito sayo sa tamang panahon. At sana tanggapin mo ito, because i think this is the right time for this. Ang totoo niyan, ito ung laman ng gift ko sayo noong birthday mo. Hindi mo kasi binuksan kaya kinuha ko ulit sa loob ng kwarto mo." - Kenji

"Galing ito kay tatay?" hindi talaga ako makapaniwala. 

"Oo, para sayo talaga iyan."- Kenji. 

Patuloy sa pagluha ang aking mga mata. Ito ang laman ng kahon na iyon? Bakita nga ba hindi ko binuksan ang regalo ni Kenji noon? Nawala din sa isip ko dahil naiinis ako sa kanya noon. Parang wala sa puso niya ang magbigay. 

"Will you marry me?" - Kenji, hindi siya lumuhod. 

"Can you promise me one thing?" 

"What is it?" - Kenji. 

"Huwag mo nang uulitin ang mga ginawa mo noon. At dapat ako ang legal wife." -Anne

"Ikaw naman talaga. Noon pa. Don't worry, hindi kita iiwan kahit ipagtulakan mo pa ako." -Kenji 

"Siguraduhin mo lang Kenji." sabay kuha ng singsing at sinuot iyon sa aking daliri.

"Ang ibig sabihin, 'YES' ang sagot mo?" nanlaki ang mata niya at bakas ang kaligayan dito. 

Nagkibit balikat ako. Saka ngumiti. 

"yatta!!! Yatta!! Banzai!! Banzai!!" nagsisigaw siya habang tumatalon. 

"I love you Anne."

"I love you too Kenji." 

First time ko ata siyang sinagot ng I love you too. 

Parang umiikot ang lahat sa paligid namin. Kami lang ang importante sa mga oras na ito. Kahit patuloy ang pagbuhos ng ulan, wala kaming pakialam. 

He kissed my lips while his shaking hands cupped my face. It was soft, gentle and a kiss full of love. Ibang-iba sa mga nakaraan na halik niya. I missed him too. His everything.

It ended with a kiss in the rain... 

 A/N: Tama na... hahaha Thanks sa lahat ng bumabasa ng work ko na ito. Hindi ko na hahabaan pa kasi baka mas lalong hindi matapos... :)

God bless everyone! ^_^  

My Wishlist : 'Mr. Vocalist'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon