Let's Pretend

246 5 1
                                    

Anne's POV

Is he asking me out? For a date? whoah!! hahaha akala ko nakalimutan niyang birthday ko ngaun. O baka bumabawi lang siya?

Nakahara Nihon restaurant, puro pagkain ng hapon ang meron dun. :3

Kung lalabas kami ni Kenji, malalate ako sa usapan namin ni Bria. Okay lang un. hahha

Parang ang bilis natapos ang buong maghapon.

"Best, mauuna na ako sa pag-uwi ah. Wala ka nang ipapagawa?"

"Bakit ba attat kang umuwi ngaun best?"

"Uhm, dahil birthday ko? hahaha Wag mo na lang itanong best! Basta kita-kits tayo mamaya bandang 10 pm."

 "Ok, ingat sa pag-uwi." 

"Yup! Ikaw din!" 

Nagmadali na akong lumabas ng office alas sais na kasi eh magkikita pa kami ni Kenji. 

"Ms. Annaliza, may naghihintay po sa inyo sa labas." - anang guard. 

"Sino daw po?" 

"Boyfriend niyo ata? May hitsura eh. At parang hindi makusot ang damit." 

Hindi makusot ang damit? Si kenji kaya un?

 "Salamat." Sabi ko sa guard bago lumabas. Sasabihin ko sanang asawa ko eh kaya lang baka magulat. haha 

"Kenji?" 

"Bakit ang tagal mo? 6:30 na. Di ba 5 pm ang out mo?"

"OT"

"Nag-overtime ka kahit alam mong may pupuntahan tayo?"

"Galit ka? Wag na tayo pumunta. Uuwi na lang ako, siguro naman nagluto si Mama." padabog kong sgot sa kanya.

"Naghintay ako ng isa't kalahating oras para ihatid ka lang pauwi? Huh"

"Sino ba kasing nagsabi na maghintay ka? Eh ikaw maysabi na magkita tayo doon!"

Another fight... :3

Minataan niya ako. 

"PUMASOK KA NA NGA LANG!"   

Hinihintay kong pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya pero hindi niya ginawa. Napaka GENTLEDOG talaga ng asawa kong ito. Nakakapang-gigil lang eh noh. GRRRRRRRR

Padabog akong pumasok sa kotse niya. BLAG!

"Seat belt mo!"

"Saglit lang pwede." habang hinihila ung strap ng belt.

"Ako na!" Then he grab it from my hand and locked it. Sweet na sana. Mag dinugtong pa kasi.

"Mag seat belt lang di mo pa magawa." 

Naku isa pa.. Isa pa Kenji. Tatamaan ka na sa akin. 

"Oh" sabay abot ng box.

"Ano 'to?" 

"Regalo malamang." he sarcastically said.

 "OH. I SEE." saka ko nilagay sa bag. Naiinis na talaga ako. Pwede namang sabihin kasi ng maayos eh. 

"Teka, hindi mo man lang bubuksan?" 

"Sa bahay na." 

"HIndi ka ba magpapasalamat?" 

"Ahh. Thank you." 

"You're not sincere. Are you?" seryoso siya. 

Tinignan ko siya sa mata. habang nakataas ang isang kilay. 

My Wishlist : 'Mr. Vocalist'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon