Kenji's POV
"Bawal ka dito! Dakpin siya!!" - sigaw ng isang barbasan.
"Saglit lang. Pwedeng magtanong?"
"Ano yon?"
"Nasaan si Prinsesa Annaliza? Ako kasi ang magbabantay sa kanya ngaung gabi."
"Hangal! hindi niya kelangan ng bantay sa kinalalagyan niya ngaun." -sagot niya
"Eh asan ba siya?"
"Sa dulo ng pasilyo." haha sumagot ngaun alam ko na.
"Ahhh. Ung malapit sa prinsipe." sabay tango -tango.
Isang kawal ang biglang bumulagta,
Si Darwin ang may gawa nun. Gamit ang stick, tinamaan ko sa mukha ung taong kumausap sa akin. Dumami pa ang kalaban.
"May sumasalakay sa palasyo!!" sigaw ng isang kawal.
Dar was still invisible.
"GO NOW!!!" narinig kong sigaw niya.
Natatakot ang mga kawal na lumapit. Bawat hakbang kasi nila ay isa-isa silang natumtumba. They're fighting with the unseen.
Palapit na nang palapit ang mga kalaban.
"Magic word? Ano ang magic word?" tarantang tanong ko sa sarili,
Bumukas ang pinto ng Prinsipe Robertus.
'Hanggang sa panaginip ba naman karibal kita?' Si Robert kasi ang kapatid ni Bria na bestfriend ni Anne.
"Anong ginagawa mo dito Eiji?"
"Ano sa tingin mo? Kukunin ko lang ang akin simula pa noong umpisa."
"Ikaw ang umagaw sa kanya palayo sa akin pati na ang kanyang damdamin!" - Robertus
"Huwag kang mangarap dahil ASAWA ko ang pinag-uusapan natin dito!"
"Kung ganun harapin mo ako!" - Robertus sabay abot sa espadang nasa dingding.
Inabot ko rin ang isang hawak ng rebulto na nandun.
'CLANG'
'TING'
'CLANG'
Hindi ko naman akalain na mabigat pala ang espadang ito. Binato ko ang espadang iyon sa kanya. Saka kinuha ang armas kong kahoy.
Mas madaling makipaglaban sa paraang alam mo na.
He was wounded. Isang unat ng kamay ko at tinamaan na siya. Napaatras siya. naging daan iyon para makalapit ulit ako sa pintuan kung nasaan si Prinsesa Annaliza.
Nakita kong nag-smirk si Robertus. Nagawa pa niyang ngumiti eh puro galos na siya.
"Hindi mo mabuksan di ba?" - Robertus na may nakakalokong ngiti.
"Ano bang magic word?" tinanong ko siya.
Instead na sumagot sinugod niya ulit ako. I spinned my stick on his front at ayus nilipad siya.
"Darwin ano ang magic word?" sigaw ko ng ubod nang lakas umalingaw-ngaw sa loob ng palasyo.
Biglang kumalampag ung pinto.
"Eiji?" anang tinig.
"Annaliza?"
"Eiji, tulungan mo ako!"
"Annaliza, alam mo ba ang magic word?"
"Mahal kita Eiji. Naniniwala akong mabubuksan mo ang pintuang ito." - Annaliza.
Kumirot ang puso ko sa mga sinabi niya. Paano kung hindi ko mabuksan ang pinto?
"Sabihin mo ang laman ng puso mo Eiji!" -sigaw ni Darwin.
"IYON ANG SUSI!!" dagdag pa niya.
"Hindi ko alam kung tama ito pero ma-mahal kita Annaliza."
"Eiji?" ani anne sa loob ng kwarto. Hindi pa rin nagbukas.
"Isigaw mo!!" narinig kong sigaw ni Darwin.
"MAHAL KITA ANNE!!!!"
With that nabuksan ang pinto. Nilabas niyon si Anne na nasa loob ng damit pangkasal at lumuluha.
"Mahal kita. Mahal kita." Niyakap niya ako ng mahigpit.
Naramdaman kong parang yumayanig ang lupa.
Binuhat ko si Anne sa likod. piggy back.
"Darwin! Halika na!!"
"Ulitin mo nga ung sinabi mo kanina?" ani Anne.
"Mahal kita Anne!"
Patuloy pa rin ang pagyaning ng lupa.
Nagulat ako nang biglang may sumigaw ng mas malakas.
"OOOONNNIIIIII-SAAAAAAAAANNNN!"
Nagising ako sa sigaw ni Shureii, kapatid ko.
That was a dream. Hindi man lang kami kinasal ng Prinsesa Annaliza sa panaginip ko.
"Onii-san, daijoubu?" (Kuya, are you okay?) -Shureii.
Pawis na pawis pala ako.
"Nani itteruno? (What are you doing here?)" - Kenji.
"I heard you shout 'Mahal kita Anne!' hihihi" - Shureii, na may panunukso sa mga mata niya.
"Eh?" that means sinigaw ko talaga iyon.
"Si Kuya inlove na kay Ate Anne. ayiiiiieee"
"Shureii! It was a nightmare and I'm force to say that."
"Ayiiiieee. Denial king na rin siya.. hahahha" -Shureii, sabay labas ng kwarto ko.
A/N: Ayan nagising na si Kenji sa panaginip niya. Next chapter will be the reality between Anne and Kenji.
As said 'asawa' ni Kenji si Anne, paano nang yari iyon?
---- malalaman niyo pagdating ng panahon.
"Sorry kung putol-putol ang panaginip ni Kenji eh kasi naman, wala akong time mag-encode ng maramihan kaya kahit konti update pa rin."
Thanks for reading ^__^
BINABASA MO ANG
My Wishlist : 'Mr. Vocalist'
Storie d'amoreKenji Tokiya, vocalist of the band Quintet. Acts single but actually married to his stalker? Annaliza Salcedo, stalker but actually the wife. "How will you know the truth when everything is fake from the start?"