Neighbors from Japan

342 8 2
                                    

Anne's POV

Pagpasok ko ng bahay umakyat ako kaagad sa kwarto para makagpalit ng damit. 

"Annaliza bumaba ka na jan!" - tawag ni Papa. 

"opo!" 

Dinner time na ba? ang aga naman ata? Tinahak ko ang daan pababa. 

To my shock ang binatang mahilig umirap ang una kong namataan kasama ang pamilya niya.

"Pa, bakit sila nandito?"

"Konbanwa onee-chan!" ^_^ anang cute na batang may hawak na barbie.

"ano daw?" maang kong tanong..

"Good evening" sagot ng Mama nila.

"ahhh. Konbanwa too." sagot ko.

"hahaha" tumawa ung bata. May mali ba?

"Pasensya na kayo ah, hindi pa kasi sila marunong magtagalog eh. Kagagaling lang namin sa Japan. Pero makakausap pa rin naman sila sa english." sabi ng Mama nila.

"Ako nga pala si Kelane, ito ang aking asawa si Jiro. Ang mga anak ko naman sina Kenji, Shureii at Yui" Pakilala niya sa buong mag-anak. 

"Hajimemashite" sabay-sabay nilang sabi at yumuko. 

Pati tuloy kami nina Papa napapa-bow. 

"Nice to meet you" - Ani Mama. 

"Ako si Frances, ito si Benito ang asawa ko. Si Annaliza at si Joseph ang aking mga anak." - Mama

Napatingin ako kay Kenji na kanina pa nakangiti sa kanila. Bakit ganun? Kung sa akin siya nakatingin feeling ko glare ang ginagawa niya.  Kainis.... GRRRRRrrrrr

"Nagdala kami ng shushi. Ginawa ko lang kanina" - Kelane. 

"Naku nag-abala pa kayo." ani mama.Nagtungo sila sa kusina. 

Pagtingin ko sa isang batang Yui ang pangalan. She's creepy. Mahaba at unat ang buhok niya, to my surprise ang hawak niya ay isang chaka doll. At ngumiti ito nang nakakatakot. 

Nagka goose bumps ata ako sa tingin na iyon. Bata pa lang nanakot na. 

I heard Kenji giggled at ngumiti. No nag evil grin. 

"Anong tinatawa-tawa mo jan?" 

"What?" aniya. Hindi pala siya nakakaintindi ng tagalog. 

"Gwapo ka sana kung naiintindihan mo ako." 

"I can understand few spanish words and you said gwapo." - Kenji. 

Ngek! Akala ko naibenta ko na.Hindi pa pala. 

"You? Gwapo? huh? Are you kidding me?" -pambawi sana lang effective. 

"Admit it or not, I know I look handsome and YOU ARE NOT MY TYPE." - KEnji. 

Ang arrogante naman ng taong ito. 

"Bakit feeling mo type kita? In your dreams!" saka ko tinalikuran at nagtungo sa kusina para tulungan sina mama sa paghahanda ng pagkain. 

"Good, because I don't want another stalker." - Narinig kong pahabol niya. 

"yabang mo!" asik ko sa kanya. 

"Sino?" tanong ng mama niya. 

"Ahhh Ehhh wa-wala po tita." napahiya tuloy ako. 

"Kahit hindi mo sabihin, alam ko. Ganyan talaga siya." anang mama niya. 

My Wishlist : 'Mr. Vocalist'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon