Kenji's POV
Pagkatapos ng araw na iyon, hindi niya na ako kinausap until now. kahit simpleng tanong lang kung kumain na ba siya? Hindi niya sinasagot. Para nga akong nakikipag-usap sa hangin. Ung feeling na "nice talking". Grabe nakakainis! Nakakainis dahil hindi ko alam kung anong nagawa kong kamalian na naman. I can't even read her actions.
Pagising ko sa umaga, palabas na siya ng bahay. Hindi nagluto, hindi kumain. Pagdating niya alas sais na ng gabi, prepared na lahat, pero hindi siya kakain.
Then, there was a time na hinatid pa siya ng epal na Robert na iyon. Mag-aalas siyete na kasi noon, hinihintay ko siya sa pinto ng aming bahay.
"Rob, thanks sa paghatid. Ingat ka sa pag-uwi." - Anne
Tumango naman siya.
Hindi na bumaba si Robert sa kotse niya pero naramdaman kong tinignan niya ako. Nang makaalis na siya saka pumasok ng bahay si Anne.
"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya. Isang tango lang ang tugon niya.
Pinigilan ko siya sa pag-akyat sa kwarto niya. Hinarangan ko ang daraanan niya.
"Mag-usap tayo Anne, please?"
"Bakit?" Umiiwas siya tingin ko.
"Dahil hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ka nagkakaganyan!"
"Hindi ko rin alam, Kenji!!" aniya then umakyat na siya. Nakita kong pinigilan niya ang pagluha. Bakit naman siya iiyak???
Asar talaga!! Eh sa hindi ko alam. Walang akong ideya kung bakit parang hindi niya ako nakikita. Nag-eeffort naman ako para sa amin. Ginagawa ko pa naman ang panliligaw sa kanya.
Dahil kaya ito nung Sabado? Hindi ko na kasi pinakinggan ung ibang tanong niya eh. Kainis tanungin ba naman kasi kung ilan ang naging ex-girlfriend ko. At kung naikama ko daw ba silang lahat. Crap!! Ayaw ko lang siyang saktan. Kung sinagot ko ang mga tanong niyang iyon, malamang. Hiwalay na kami. Ung pangatlong tanong niya hindi ko na rin sinagot.
Kinagabihan pumasok ako sa bar kung saan kami may gig.
"Parang ang lungkot niyo ngayong gabi?" - puna ni Darwin.
"Hindi naman."- Ralph.
"Emo niyo. I know, there's something wrong." - Darwin.
Sana lang hindi niya ako mapansin. Kasi pinansin na siya si Alex at Ralph. Pati si Phil.
"Kenji!"- Phil.
"Napaparami ka ata ng inom ah."- Darwin.
"Nakakalima ka na."- Ralph, nagsidugtungan sila ng sinabi,
"Hayaan niyo muna ako." sagot ko sa kanila.
BIglang narinig kong kumulog. Kahit malakas ang tugtugan sa loob ng bar, rinig na rinig ko iyon. Ewan ko ba, simula nung high school kami ni Anne, kahit konting kulog lang naririnig ko na.
"Let's start again."- anyaya ni Phil.
"Kumulog ba?" tanong ko kay Darwin.
"Parang" - Darwin.
"Ganun? Guys, kelangan ko nang umuwi." Paalam ko sa grupo.
"Ha?" - Alex.
"I need to go. Kayo muna ang bahala, okay?" Then nagmadali akong lumabas ng bar.
Binilisan ko ang pgdrive na halos paliparin ko ang aking turtle car. Kumikidlat na kasi sa bandang kanluran.
Pagpasok ko ng bahay, dumiretso ako paitaas. Eksakto namang bumuhos ang malakas ng ulan.
BINABASA MO ANG
My Wishlist : 'Mr. Vocalist'
RomanceKenji Tokiya, vocalist of the band Quintet. Acts single but actually married to his stalker? Annaliza Salcedo, stalker but actually the wife. "How will you know the truth when everything is fake from the start?"