Kenji's POV
Pumayag akong sa bahay tumira pansamantala si Rain. Kinausap ko si Anne tungkol dito, she said yes.Pero nag-aalala pa rin ako.
"Are you sure ok ka lang magstay dito mag-isa?"
"Yeah. Ayos lang ako."- Anne, pero hindi pa rin mapanatag ang aking kalooban.
"I will call you when I get home." Tumango lang siya. Ayaw ko naman tala malayo sa kanya kahit isang araw lang lalo pa ngaun na ok na kami.
"Ganun pa rin ang sched ko. Uuwi siguro ako at least trice a week. Susunduin pa rin kita pauwi galing sa office niyo. At lagi pa rin ako sa clinic at gigs. Tawagan mo ako kapag may kelangan ka. Kahit anong oras pa yan. Okay?"
"Okay."
"Kelan ka pa naging woman of few words?"
"It's not that. Masakit kasi ang ngipin ko." -Anne
"You should have told me."
ANNE's POV
"Say 'AHH'"
Ngumanga ako ng bahagya. Imagine we're too close.
"Don't tell me, nahihiya ka pa sa akin? Alam ko na ang buong sulok ng bibig mo." - Kenji
Umiling ako. Napahiya sa sarili at the same time.
"Nga- nga na." - Kenji
"Hindi mo rin makikita kasi nasa itaas."
"Hmmm" Pagkasabi nun. Pumasok siya sa room niya at pagbalik nito may hawak na siyang pang dentist.
"Don't tell me bubunutan mo na ako, ngaun? As in Now?" - Anne
"Ayusin mo nga yang mukha mo!" - Kenji
"Bakit? anong masama sa mukha ko?" - Anne
"Mukhang kelangan ng dolfenal. haha"
Hinampas ko siya sa balikat. Pagtawanan ba naman ang may masakit ng ngipin.
"Joke lang. Say 'ahh' "
"Ahh"
"Your gums is swollen. Kelan pa ito sumasakit? Tanggalin na natin?" tanong niya.
"Ngayon na? As in now na?"
"Hindi, bibigyan muna kita ng pain reliever. Kapag humupa na ung sakit, sabihin mo sa akin."
Kumuha siya ng isang basong tubig at inabot iyon sa akin. Ininom ko ang gamot.
"Biyernes pa lang. Wala ka bang pasok?" tanong niya
"Eh masakit nga ang ngipin ko."
"Biro lang. Alam ko naman eh." saka pinisil ang aking pisngi.
"ARAY!!"
"Sorry" nakabungisngis niyang sabi.
"Hmmmp" I pouted. Tinalikuran ko siya at nagtungo ako sa kusina.
"Anong gagawin mo na naman?" - Kenji
"Magluluto ng lunch."
"Talagang naging wife material ka na. hehehe " saka siya yumakap sa aking likuran.
"Gusto sana kitang samahan magluto pero may appointment ako ngaun sa clinic, bandang alas diyes."
"Okay lang, gusto mo ako na lang sasama sayo?
"Hindi. Dito ka na lang sa bahay. Uuwi rin ako agad. Sandali lang naman siguro iyon." - Kenji
Ang boring dito sa bahay. Ano na lang gagawin ko? Manood na naman ng mga drama? Sabagay maraming on-going series ngaun. Ung kay Lee Min ho, Lee Dong Gun, at ung kay Ha Ji Won . Pero gusto ko talaga siyang puntaha dun.
BINABASA MO ANG
My Wishlist : 'Mr. Vocalist'
RomanceKenji Tokiya, vocalist of the band Quintet. Acts single but actually married to his stalker? Annaliza Salcedo, stalker but actually the wife. "How will you know the truth when everything is fake from the start?"