Broken

168 4 0
                                    

Anne's POV

I went out of his clinic and there my tears won't stop from falling. Grabe ang sakit nararamdaman ko. Nakikip ang dibdib ko. Hindi ko yata kakayanin. Nagtapang-tapangan lang ako kanina, but this is too much. Too much pain. Too much of being a fool. I'm sick and tired of it. 

Parang first time ulit na nangyari ito. How long has it been since the last time, di pa naman kami umaabot ng isang buwan sa usapan namin. Pero iba ang pakiramdam ko. I thought all this time, naging faithful siya sa akin. I thought ako na lang ang nag-iisa sa buhay nya. Pero sino ang babaeng iyon?

"Huh..." nagbuga ako ng hangin para maibsan ng kahit kaunti ang sakit sa dibdib ko. Nakapatong ang aking kanang kamay sa aking dibdib. Naglakad-takbo akong lumayo mula doon. Dahil sa sobrang luha na lumalabas sa mga mata ko, nagiging blurry na ang daan. 

Hindi pa ako nakakalayo sa clinic nang may biglang tumigil na sasakyan, hindi ko pinansin kung sino ang laman niyon. I'm too hurt to care. Lumabas ang driver nun at sinundan ako. HIndi ko siya nakilala nung una.

"Sino bang nagpaiyak sa iyo Annaliza nang maihabla natin?" aniya.

OA. Umiiyak lang ako, hahabla agad? Pero ramdam ko na parang gusto niya akong patawanin. 

"Leonard?" naningkit ang mata ko para makita ng maayos ang mukha niya. 

Bigla niya akong niyakap. Bakit ako niyayakap ng taong ito? He was my enemy before, when we were in high school. Siya ung nagtranslate ng beautiful ay "pangit" kay Kenji. KENJI na naman!!

Ang naisip ko na lang, gusto niya akong pakalmahin mula sa pag-iiyak ko. Kaya hinayaan ko na lang. 

"Tama na ang pag-iyak, Annaliza." aniya. Mas lalo tuloy akong naluha. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. 

"Bakit ka nga umiiyak?" Hindi ko sinagot ang tanong niyang iyon. 

"Halika." pinapasok niya ako kotse niya. 

Nakita kong may lumabas sa clinic at iyon ay si Kenji. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa, sumakay ako sa kotse ni Leonard. 

"Bilisan mo magdrive." nasabi ko sa kanya. Tumatakbo kasi si Kenji papunta sa direksiyon namin. Umandar na ang sasakyan pero naghahabol pa rin si Kenji. May mga luha pa rin na umaagos sa mga mata ko. Nang makalayo na ay tumigil na ito. 

Tahimik lang si Leonard habang nag-dadrive. Kumalma na rin ako. Buti na lang at hindi na siya nagtanong pa. 

"Dalhin mo na lang ako sa hospital." sabi ko sa kanya. 

"May sakit ka ba?" nag-alalang tanong niya, 

"Wala physically. Gusto ko lang puntahan ngaun ang kapatid ko." 

"Ahh. si Joseph. Right?" paniniguro niya. 

"Uhm, yeah. Kilala mo siya?"

"May mga subject lang kami na pareho nung college kaya ko siya nakilala."

"I see." iyon lang ang nasabi ko. I'm not really in the mood to talk. 

Pagkalipas ng ilang sandali, nagtanong ulit siya. 

"Si Kenji ang nagpaiyak sayo?"

Tumango lang ako. Nakita naman niya ang sitwasyon kanina. There's no use of denying it.

"Asawa mo na ba siya ngayon?" tanong niya ulit.

"Yeah."

"Anong ginawa niya sayo? Bakit ganoon ka na lang makaiyak kanina?"

"Ayokong pag-usapan ngayon, Leonard. Sa susunod na lang."

"Ganun ba? Okay lang. Next time tawagan mo ako kapag kelangan mo ng makikinig sayo."saka inabot ang calling card. 

My Wishlist : 'Mr. Vocalist'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon