Kenji's Dream part 2

521 15 1
                                    

"Maari ko bang isama si Callie sa aming paglalakbay?" - Darwin.

"Hindi maari Darwin. dahil hindi natin batid ang naghihintay na panganib." sagot ng hari. 

"Naiintindihan ko po kamahalan."  - Darwin. 

"Seryoso ba kayo? Itong dwendeng ito ang kasama ko sa pagliligtas kay Annaliza? Eh paano na lang kung may mga kalaban? At isa pa, hindi ba siya makikilala bilang isang Clouian?" - tanong ko. 

"hmmm. Eiji, hindi mo ba natatandaan ang mga kaya kong gawin?" tanong ni Darwin sa akin. 

Eh paano ko nga matatandaan eh for all I know panaginip lang ito. 

Then nagpalit siya ng anyo, Ung Darwin na kilala ko pero may balbas. Can you imagine, magulo ang hair tapos may makapal na balbas. Mukha siyang taong grasa. hahaa

"Ok. Tara na! Iligtas na natin ang prinsesa."

"Wala pa tayong lagusan." ani Darwin. 

"Mahal na hari, ang lagusan daw!" 

"Si Prinsesa Rain lang may kapangyarihang gumawa ng lagusan." - sagot ng Hari. 

"Sama ka na lang kaya Rain?" 

"Patawad pero hindi maaari."  - Rain. 

"Ayts.. Sayang naman oh."

Iwinaksi ni Rain ang kanyang mga kamay at gumawa ng bilog na daanan. 

"Inyong tandaan na ang lagusang ito ay magtatagal ng tatlong oras lamang. Kaya ang bawat minuto ay mahalaga. Kayo lang dalawa ang nakakakita nito kaya iligtas niyo ang aking kapatid. Paalam." - Rain. 

Pumasok na kami sa portal na iyon. Nauna ako, pagpasok ko pa lang sa lagusan iyon. Ramdam ko ang init. Bakit kaya? Nung pinasok ko ang buo kong katawan, ayun na! Para akong nahulog sa malalim na malalim na bangin at sobrang dilim wala akong makita. 

"Waaaaaaaaaaahhhhh" sigaw ko.Then bumagsak ako sa lupa. Hindi lang basta lupa, it's more like a cliff na pa triangle at konting galaw ko na lang ay mahuhulog na ako. 

Sumunod pa si Darwin. Nadaganan pa ako. "Aray ko naman." asik ko.

Then I heard a crack from below. 

"Darwin babagsak ata tayo?!" 

"Hindi magtiwala ka lang." Then he got on his feet. Inapakan pa talaga ako. 

Talk about timpi. Kanina pa ako nagtitimpi. 

Sinundan ko siya, hindi nga kami nalaglag.

"Saan natin hahanapin si Anne?" tanong ko sa kanya. 

"Ehem. Prinsesa siya OK? Galangin mo naman kahit konti." -Darwin. 

*gulp*

Pahiya tuloy ako sa sarili ko. Prinsesa nga pala siya at ako'y isang hamak na alipin. 

"Oh sige na! Ano nga pala ung hawak mo?" tanong ko sa kanya. Kanina pa siya may hawak na maliit na bagay sa kanang kamay niya eh. 

"Ahh ito?" sabay lahad sa akin. 

"ahy lintik ka Darwin!!" sigaw ko. 

SPIDER. Spider lang naman ang hawak niya. Nakakadiri kaya. Hindi naman nakakabawas sa pagkalalake ang pandidiri ko sa mga gagamba di ba? tsk Takot ako sa mga gagamba ever since. kaming buong mag-anak lang ang nakakaalam nun. 

"Huwag kang matakot Eiji. Hindi naman ito nangangain ng tao eh."

 "Huwag mong ilalapit yan sa akin!!!"

My Wishlist : 'Mr. Vocalist'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon