The Medical Mission

165 4 0
                                    

Kenji's POV

Pagising ko sa umaga wala na naman siya. But the table was set for breakfast for two. Simpleng itlog, sinangag at kape.

"Sorry" may tinig akong narinig mula sa likuran ko. 

"Anne?" Ang akala ko nakaalis na siya. Hinarap ko siya.

"I'm sorry, Kenji." 

"No, I should be the one apologizing." Sabay yakap sa kanya. 

Naalala ko tuloy ung nangyari sa building ni Phil kagabi, kung paano halikan ni Phil si Bria. Puno ng gentleness sa lahat ng galaw niya. Naisip ko bigla that moment na gusto ko rin sanang halikan ang asawa ko ng ganun. Pero huwag ngayon, it's too early in the morning. 

Hinalikan ko siya sa noo. 

"I love you, Anne." 

"Thank you, Kenji." 

Hindi pa niya ako sinasagot ng 'I love you too.' 

"Two weeks na lang ang natitira sa one month deal natin." Paalala niya. 

"Akala ko tapos na iyong deal na un? I mean wala na. Void na."

"Eh? Bakit naman mawawala?"

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. 

"Basta inakala ko lang." kibit-balikat akong sumagot. 

Umupo kami para kumain. 

Nagring ang phone ko. 

*Aiko Calling* 

"Ang aga namang tumawag nito." - Kenji

"Sagutin mo na baka importante." ani Anne

"Hello?"

"Hi! Ohayou Kenji-kun!"- Aiko (good morning) 

"Doushite?"- Kenji (why?)

"There is a medical mission and we need a helping hand. We are short in number, hope you can join us."- Aiko

"As in now?" - Kenji

"Yeah"

Anne's POV 

Tinignan niya ako na parang humihingi ng permiso na umalis. 

Tinanguhan ko siya. 

"Ok, I'll be there." sagot ni Kenji saka pinatay ang tawag.

"Wanna come with me?" - anyaya niya. 

"Gusto mo ako isama? Sigurado ka?" tanong ko sa kanya. 

"Yeah." 

"Okay, magbibihis na ako."  :) 

Nandoon si Aiko, ung ex niya from Japan. Sigurado ako makikipagflirt na naman siya dun kung wala ako.

Stalker mode activate.hehe

Pagkarating namin sa lugar ng medical mission, sinalubong kami ni Aiko. 

"Glad you're here."- Aiko saka nagkiss sa pisngi ni Kenji. Kelangan ba talagang may ganun pa? Hindi ba pwedeng kamayan na lang? 

"Mata mo!"- ani Kenji na may nakakainis na ngiti. 

Tinaasan ko lang siya ng kilay. 

Paglapit namin sa open area kung saan gaganapin ang medical mission, nagulat ako sa sobrang dami ng bata kasama ang kanilang mga magulang. Ang saya nila tignan. 

Uupo lang ba ako? Nang mapansin kong nahihirapan mag-ayos ng tao ang mga foreigners, tumulong na ako. 

"Let's divide the group into two. For general check ups and dental on the other line." nag-english ako dahil ibang lahi eh. Baka hindi ako maintindihan. 

My Wishlist : 'Mr. Vocalist'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon